Saturday, 12 February 2011

Cyber Friends

a facebook friend send me this, asking me if i can post this one... i obliged, im giving this space for him... hope you like it.


Bakit kahit masakit, nagmamahal ka pa rin? 
by:Nan Landy


Wala lang, isinulat ko lang ito sa pagbabasakaling merong tulad ko na nagdurusa sa pagmamahal na binansagang bawal at makasalanan.
Simple lang akong tao, simple lang din akong magmahal. Gusto ko lang na tanggapin ako kung ano at sino ako. Iyong tipong ayos lang sa kanya, kahit ganito ako. Pero mahirap raw maghanap ng ganun. Simpleng lang, pero kumplikado para sa karamihan. Hindi raw ako pwedeng mahalin ng ganun ka simple, kailangang may kapalit. Kailangang bilhin ko ang pagmamahal na gusto ko.
Gusto ko sanang bumili ng ganun. Pero nakakapanghinayang. Hindi na kasi pagmamahal ang tawag doon at kung magawa ko man iyong bilhin hindi ko pa rin iyon matatawag na akin. Magiging isang pagkukunwari lamang ang lahat. Mas pipiliin ko na lang ang magdusa at masaktan at ang tanggapin ang aking tadhana kaysa sa sumaya sa panandaliang ligaya na dulot ng ipinagbiling pagmamahal. 
Mahirap magmahal, lalo na kapag bawal. Hindi mo pwedeng sabihin. Hindi pwedeng ipakita sapagkat pagtatawanan ka lang nila. Gagawin ka lang gago. Pandidirihan ka na para bang napakarumi mo. Naranasan ko na iyon lahat na halos gustuhin ko nang sumuko. Pero nandito pa rin ako patuloy na nagmamahal at handing masaktan. Hindi na bale. Tao ako eh, bahagi noon ang umibig, masaktan man ako. Hindi man ako kayang unawain ng karamihan, magmamahal pa rin ako. 
Ako lang naman ang masasaktan at puso ko ang masusugatan. Hindi nila kayang makibahagi sa aking kalungkutan. Kaya, wala silang karapatang ako’y husgahan. Hindi tao, kundi Diyos lang ang may karapatang humatol kung ako ba ay inosente o makasalanan.
Ganito na ako sa umpisa , hindi ko sinadya. Walang may gusto nito. Ganito ang aking pagkatao. Ito ang aking pagdurusa. Ito ang aking buhay. Ito ako…ikaw sino ka?



____________________________end_________________________________




one more thing nakakahiya nmn po... one of a facebook friend happens to be  a Philippine football team  Azkals member... just want to say CONGRATULATION! hehehe cute mo tlga... lalo na ngayon haaay love those muscle of yours....haaaaaay.




14 comments:

  1. pabili nga po....nakibasa...sad naman, pero ok lang yan,sabi nga walang pwedeng humusga sa nararamdaman nya kung sino man sya. nobody's perfect, tao lang...

    pinalow po kita..

    ReplyDelete
  2. ehdi ako si jheng... hahha... ok lang yan ser nan...maganda gawin mo gumawa kna ng sariling blog mo. :) Ganyan talaga ang pag-ibig, masakit pero masarap magmahal, walang katulad at kapalit, dadating din ang panahon na mgiging masaya ka...

    ReplyDelete
  3. hindi ko alam kung kailan naging kasalanan ang magmahal, pero sa tingin nang ibang tao, siguro nga, oo...pero bkit mo ba sila papansinin? eh di naman sila ang nagbibigay saya sau...

    enjoy mo lang ang buhay, magmahal ng magmahal, masaktan na kung masasaktan, ang mahalaga kahit papaano'y sumaya ka.

    ReplyDelete
  4. ganda nung letter niya. tama yun. walang karapatan ang ibang tao para humusga. at wala nga namang part ang ibang tao sa kalungkutan niya, kaya tama na magmahal ka para mapuwangan yung kalungkutan niya... :D

    ReplyDelete
  5. -yehryt .. “A man fall in love only once in his entire life. Other emotion are just product of attraction” kia nga ni James Einstein

    ReplyDelete
  6. ang importante is that you are happy hwag mo pansinin ang sinsabi ng ibang tao. kasi kung lagi mo pakikingan ang sinasabi ng ibang tao you will never be happy.

    and talagang part ng love ang hurt kasi nagmahal ka eh

    ReplyDelete
  7. walang ibang huhusga sayo... kundi sarili mo.. husgaan ka man ng iba.. depende na sayo kung tatanggapin mo... wag ka makinig sa kanila. Hindi sa nagbibingihan ka... as long na wala ka natatapakan na tao.

    Magmahal ka... at mahalin mo sarili mo. Kung di mo makita yung pagmamahal na hinahanap mo... maghanap ka ng ibang bagay na magiging reason para maging masaya ka.

    ReplyDelete
  8. dont mind others, stay happy. go pinoy!

    ReplyDelete
  9. kung saan siya dapat masaya, doon siya. kahit ano pa ang sabihin ng ibang tao, dahil ang importante lang naman sa pagmamahalan eh silang dalawa.

    go azkals! i'm a fan.

    ReplyDelete
  10. in a society, the once who will make fun of you are the morons, the ones that doesn't give a damn to open their minds,

    and there are those na welcome ka sa grupo nil,a dahil sila yung nakakaintindi at marunong umunawa,
    pero kapatid, the best way si to pray for those who are scrutinizing you....

    :)

    ReplyDelete
  11. sa azkhals m\una ako.. woot woot... go azkhals... kagatin lahat ng kalaban.. wahehhe



    dun naman tayo sa love life.. wahehhe.. antay ka lang chong.. kung sansan pat may matatagpuan ka rin.. si chong nimmy nga at leo eh nagkatagpo at nagtagal diba.. wahehe

    ReplyDelete
  12. woot woot... yes. Masasarap din sila. Yum yum! hahahaha. horny yata friend mo.

    ReplyDelete
  13. ganun talaga siguro ang life pag nagmahal... may maganda at masamang epekto for both parties. Its your own choice nlng kung ano ang mas bibigyan mo ng pansin - ang bad or good effects nito... kaw lang din nakakaalam nyan... smile! ^^

    ReplyDelete
  14. sa lahat po ng nagpaunlak... salamt po... hehehe sabi ko sa kanya dumalaw na d2 sa blog ko at mabasa nya ang inyong mga payo...

    ReplyDelete

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...