Thursday, 17 February 2011

AKALA MO KASI...

humihingi po ako ng pasyensya sa lahat ng aking kapwa blogger kong hindi po ako masyadong nakakadalaw sa inyo...nitong nakaraang araw po ay sobrang tinamaan akong ng katamaran at hindi ko nga alam kong anong ilalagay ko dito sa blog ko...:)

habang nglalakad ako pauwi ng bahay... ito ang lumabas sa aking kukote...


kahapon... nabigla ako nang magpadala ka ng isang mensahe sa akin, pareho tayong online.
kinamusta mo ako, sagot ko "ok lng, buhay pa masaya :)" mabuti ang sabi mo. Ikaw naman ang aking kinamusta, gayundin ang iyong sagot ngunit may kasamang lungkot sayong sulat, nagpaumanhin at humihingi ng tawad...


Isa't kalahating taon na ang nakalilipas mula nung tayo nagkahiwalay, basta ang sabi mo ayaw mo na. Malabong mababaw ang rason, hindi ako pumayag... hindi ko tinanggap. Sabi ko maaayos natin ito, sabihin mo lang ang problema. Basta ang ayaw mo na, nagpumilit pa rin ako, nagmakaawa pero wala pa rin. Isang araw nagkita tayo, tinanong kita "sigurado ka ba na ayaw mo na ito na ang huli kong tanong sayo? huli na ito dahil tatlong beses na akong nagmakaawa sayo at hindi na makakaapat pa. Hindi ka nabahala, wala akong nakitang takot at walang epekto. Oo tinakot kita. Ang sakit pero kailangan kong tanggapin na wala na tayo. Tanda mo ba yung huling sabi ko " tandaan mo ito wala ng magmamahal sayo  katulad ng pagmamahal ko sayo, sana hindi ka magsisi." kahit papano kailangan kong bawiin ang aking moral. Ang sabi mo hindi magyayari yun may galit pa ang iyong tono, hindi ba't kinutsa mo pa ako... na  walang magkakagusto sa isang tulad ko....Hindi maganda ang ating paghihiwalay pareho tayong galit.


Isang buwan ang nakalipas, nabalitaan kong may bago ka na, ang bilis naman ngayon ako'y lubos na nasaktan. Sinubukan kong lumapit sayo ulit, ngunit patuloy mo akong tinaboy. Ang tanga ko daw sabi ng malalapit sa atin, harapin ko daw ang katotohanan kaya ko naman daw kahit pakonti-konti lamang. Lumipas pa ang mga araw mahirap man dahil nga iisa lang ang sirkulo ng ating kaibigan, kilala natin ang pamilya ng bawat isa. Hanggang kaya kong iwasan ka ginawa ko alam kong yun din ang gusto mo. Walang okasyon na isa sa atin ang wala. Agad-agad tayong umaalis pag nalalaman nating nandun ang isa. Alam nang lahat ang dahilan, hindi pa ako handang makita ang taong minahal ko ng lubos subalit naging sanhi na aking pagkasawi sa pag-ibig. Hindi pa ako handang magpatawad.Gustuhin man kitang kausapin, yakapin muli... palayain ang aking sarili sadya yatang ang sugat na akala ko hilom na ay nangangailangan pa ng sapat na panahon.


Nakatatlo o naka-apat ka mula ng tayo'y naghiwalay. Samantalang ako'y lihim na umaasa na ikaw magbabalik. Ngunit sa hindi sinsadyang pagkakataon, akala ko wala na akong pag-asa makakita ng papalit sayo dito sa aking puso, may kumatok at dumating, tumibok muli ito. Pinalaya nya ako sa kalungkutang bumalot ng matagal sa akinat hinilom nya ang sugat na iyong iniwan. Pinatawad na kita ngunit nanatiling dumistansya sa iyo, sa lahat ng umuugnay sa  atin. Maniwala ka sa hindi, pinatawad na kita kahit hindi mo pa hinangad ito.


Ngayon habang tayo'y naguusap, maligaya na ako ng totoo at tunay dahil nakawala na ako sa panaginip na tayo magiging isa muli. Nakalaya na ako. Ang sabi mo ako ay iyong gusto makita muli at sana mabigyan kitang ng panahon para makabawi.
Gusto mong bumalik, inamin na nagkamali ka.Tinanong mo kong wala na ba akong nararamdam sayo, inamin ko na meron pa, ngunit hindi na ikaw ang nagmamay- ari ng aking puso. Akala mo kasi patuloy akong maghihintay... akala mo kasi hindi ako mapapagod... akala mo kasi walang ng magmamahal sa akin... akala mo kasi...




paalam na... una kong pag-ibig....

24 comments:

  1. paalam na aking mahal,kahirap sabihin....senti mode

    akala nya kasi eh!!

    ReplyDelete
  2. too late na para bumalik.
    lagi naman ganun diba? laging nasa huli ang realization.

    totoo bang first love never dies?

    ayiiiiiiiiii! hihihi

    ReplyDelete
  3. hay nako... oo nga i agree with nasa huli ang pagsisisi.. :(

    ReplyDelete
  4. yan ang napapala ng mga nangiiwan, gagawa ng kilos na hindi naman sigurado, tpos ngayon babalik..tsk2

    anyway, sana okay ka na, and let him feel the way you felt when he left you, he deserved it...

    sana super happy ka na ngayon...

    :)

    ReplyDelete
  5. i feel for you..

    lubos din akong nagmahal. akala ko kami na hanggang sa huli pero di pala. hanggang ngayon di ko lubos maisip kung anong dahilan nya sa pagiwan sa akin. pero kahit sinaktan nya ako, may puwang pa rin sa puso ko na naghihintay sa pagbabalik nya.

    masakit mabigo pero mas nanaisin ko pa mabigo kesa ang magbigay ng kabiguan sa tao. mahirap pasanin ang sisi kapag narealize mong mali pala ung naging decision mo. tulad mo, may mga pagkakataon din na nagparamdam sya matapos naming maghiwalay. pero ano pang aasahan nya kung unti-unti na din akong natututo na kalimutan sya?

    ReplyDelete
  6. ayun.. o anong napala nya diba? magsisisi man eh huli na. may yabang pa sa una ha.. tsk tsk.. pero mabuto ang pusong nagpapatawad.. patawad lang ha at hindi muling pagbibigyan.. patawad na kalimutan na ang naging alitan o samaan ng loob.

    ReplyDelete
  7. there are many fishes in the sea..u must welcome new personality..so that you will again be happy.

    ReplyDelete
  8. kung minsan talaga nakakainis. kung kelang nakapag let go and move on na ang isang tao, kung kelan babalik yung nang iwan at hihingi ng second chance. pero gaya nga ng sabi nila, palaging nasa huli ang pag sisisi. pero dahil naka move on and let go ka na, APIRRR! :)

    ReplyDelete
  9. dapat ganito ang ending.

    akala mo kasi.....

    akala mo lang un...bleeeh!

    wahihihi joke! XD

    ReplyDelete
  10. grabe naman ung pangungutya niya.. 'wag mo na pong balikan. ganyan ang mga taong hindi na dapat pang balikan.

    ReplyDelete
  11. waaaaah.. ito ang patunay na posible pa rin talaga mag-move on ang isang tao.. buti nakalaya ka na sa kanya.. :) mahalin mo lang sarili mo lagi!

    ReplyDelete
  12. aysus...naiiyak naman ako, okay lang yan kuya uno!broken o hindi numero uno ka pa din! hehehe anu daw?

    ReplyDelete
  13. whohoho.. ok lang kuya uno... nakikuya na rin po ako.... dami pa dyan

    ReplyDelete
  14. ayyy! sakit naman nun.... naku! yaan ang mga ganyang tao! madami pa dyang iba! smile always! :)

    ReplyDelete
  15. "Akala mo kasi patuloy akong maghihintay... akala mo kasi hindi ako mapapagod akala mo kasi walang ng magmamahal sa akin... akala mo kasi..."

    the best to. ang ganda nito uno. good for you at nakalaya ka na... :D

    ReplyDelete
  16. mahirap naman kasi umasa sa tao na palagay mo wala kang kuwenta sa kanya......pero kung bumalik siya na wala pang ibang nagmamay ari sa puso mo tiyak mamahalin mo ang una mong pag ibig...

    ReplyDelete
  17. ouch..nalungkot ako sa post..hmm.. sana balang araw, masabi ko din yan sa taong hinihintay ko nagayon.. sana makakita narin ako ng taong magpapalaya sakin sa kalungkutan ..haaayyy

    ReplyDelete
  18. hay ang ganda nito uno. cheers to having moved on.

    ReplyDelete
  19. nakarelate ako ng sobra. hahaha. pwede ko ata icopy paste ito eh! hahaha

    ReplyDelete
  20. marami pa jan.... balang araw, ikaw din manlalait sa kanya. ahaha....

    ReplyDelete
  21. ohhh sana ako din matagpuan ko na ung taong magaayos ng nasira kong puso lol :) so sweet naman

    ReplyDelete
  22. gagayahin ko ang sinabi ni angel sa twitter nya:

    chong calm down blog world! hindi po ako kayo ngkamali nagmamahal nga po si uno heheheh

    ReplyDelete

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...