Monday, February 28, 2011

The Perfect Fan

since last day po ng love month though hindi naman Mother's day, I just want to share a song that really touches my heart. Aminin man po natin... ang ating FIRST LOVE ay ang ating MAGULANG. Dahil sa kanila naramdaman natin ang tunay na pag-ibig ng Diyos. Ang pagmamahal na walang hinihintay na kapalit, pagmamahal na hindi bulag at pagmamahal na walang hangganan.

KAYA, SA PAGTATAPOS NG BUWAN NA ITO... NAIS KO PONG PASALAMATAN ANG LAHAT NG MGA ANAK NA HINDI KINALIMUTANG BIGYAN NG PANSIN SI INA, NANAY, MAMA, MOMMY, LOLA, MAMU, MAMALA, GRANNY AT KUNG ANO PA ANG NAIS NILA ITAWAG SA KANILA ... SALAMAT AT MABUHAY KAYO!

"if you want to be someone in life,
if you want to achieve something..
if you want to win, always listen to your heart.
And if your heart doesn't give you answers, 
close your eyes and think of your parents,
and then you will cross all the hurdles
all  problems will vanish
Victory will be yours, Only Yours!

------ excerpt from a bollywood movie.


MOM, this song is for you.... I LOVE YOU!



It takes a lot to know what is love
It's not the big thing but the little things
That can mean enough
A lot of players to get me through
There is never a day that passes by
I don't think of you
You were always there for me
Pushing me and guiding me
Always to succeed


You showed me
When i was young just how to grow
You showed me everything that i should know
You showed me just how to walk without your hands
'Cause mom you always were the perfect fan


God has been so good
With blessing me with the family
Who did all they could
And I've had many years of Grace
And it flatters me when i see a smile on your face
I wanna thank you for what you've done
In hopes I can give back to you
And be the perfect son


You showed me
When i was young just how to grow
You showed me everything that i should know
You showed me just how to walk without your hands
'Cause mom you always were the perfect fan


You showed me how to love
You showed me how to care
And showed me that you would always be there
I wanna thank you for the time
And i'm proud to say you're mine


You showed me
When i was young just how to grow
You showed me everything that i should know
You showed me just how to walk without your hands
'Cause mom you always were the perfect fan


'Cause Mom you always were, Mom you always were
Mom you always were...the perfect fan 



P.S.  
so tonight, go near her tell her you love her
hug her tightly and kiss her gently...
for sure she really miss you...


send my kisses....uno

Sunday, February 27, 2011

Puppies!

Lumalaki na ang aming pamilya! naalala nyo ba ung post ko about our dogs and cat kundi pa... visit this- sOmEThing IntRuiging

anyway 2 weeks ago po, sabi ng kapatid ko nanganak na uli ang isang namin aso... Si Lyka ang pinakamasipag manganak at pinakmatampuhan pero love na love namin kasi super malambing. Hindi ko na alam kong ilang beses na sya nanganak at ilan beses na rin namin binigay ang mga anak nya sa lahat ng humihingi. Kasi naman ang kapatid ko lagi nya pinopost sa facebook account nya photos ng puppies namin ayun ang dami tuloy humihingi mula sa kapitbahay, relatives hanggang sa mga kaibigan namin sa net hahaha.

ALL OUR BOYS! so sabi ni mama hindi na namin ipamimigay... ewan ko lang ah ewan ko lang... hmmp!

here our the photos tagged to me by my brother. Ang cute nila, hindi ko pa natatanong kina mama kong anung name nila hehehe.



Friday, February 25, 2011

Tanda mo pa ba?

ako po ay nagbalik! salamat po sa mga taong patuloy na bumibisita.


Tanda mo pa ba nang araw na nanawagan si Cardinal? nagkita tayo di ba?. 


Takot ka man...ako ang iyong naging sandalan.


Sa gitna ng dami ng tao at ating pagkikita, naalala mo ba nakakita tao ng ilaw... ang babaeng nakadilaw? Simbolo ng ating Pag-asa... sabi mo pa nga ito ang simula ng pagbabago.


Kapit-bisig, hawak-kamay, nagka-isa at nagkabuklod tayo, pinalaya natin ang bawat isa! Kalayaan mula sa gapos ng pagdurusa at paghihirap dulot ng diktadurya.


Pareho nating nasaksihan ang bawat luha, bawat sigaw at bawat sakrispisyo na ating ginawa. Ang kagitingan natin ay hinangaan pa ng buong mundo hindi ba? 


Ang katapangan ng ating puso ay aking pa ring gunigunita.


Magkasama tayong nagdasal.
Sabay tayong nakibaka.
Hindi ba't nagyakapan pa tayo dahil sama-sama.
Tanda mo pa?


Nang lumaon, hindi ba't sabay natin nakamit ang demokrasya?


Marami na ang nagyari mula noon, nanahimik ang pareho nating buhay. Higit dalawang dekada na ang nakalilipas. Sa tahimik kong pagsubaybay, oo nga may nagbago ngunit hanggang ngayon  tila hirap ang iyong pakpak sa paglipad.


Ano nga ba ang problema?


Nagkita tayong muli hindi lang iisang beses ngunit nakatatlo pa. Binigay ko muli ang aking pagsuporta.  


Ngunit nais ko lamang itanong sa iyo ito dahil ako rin naman pagod na.


Ano ang nangyari sa pangako mong Demokrasya?


Bakit hanggang ngayon ikaw ay nanatili lugmok sa paghihirap at puno ng suliranin? malaya ka na hindi ba?


Ano nga ba ang iyong tunay na problema? ang iyong pinuno? hindi ba't ikaw ang nagluklok sa kanya? ang iyong kapwa? hindi ba't siya rin ay katulad mong walang makain sa hapag kainan? o ikaw mismo o tayo?


May pagkukulang ba ako sa iyo upang ikaw ay magpabalik-balik. 


Matagal ka ng gising!


Ganap na ang liwanag at pag-asa...


Pinagkaloob na sa atin ang kalayaan noon pa.


Bakit? ... bakit?


Wag ako ang iyong gawin sagot.


Dahil, ako lamang ay isang kalsada.


Ang pagbabago ay hawak mo at mamgmumula sa iyo.


nagmamahal,
EDSA.

Sunday, February 20, 2011

Walang Hanggang Paalam


 
EPILOGUE:


Lucas:     "bakit?"... naluluha nitong sabi sabay yakap ng mahigpit.


Aki:       ( kumawala sa pagkakayakap kay lucas at hinaplos nito ang kanyang pisngi) 


     "Alam mo ang dahilan, hindi man habang buhay ang pagmamahalan natin, hindi man normal ito. Dito sa puso ko... ANG PAG-IBIG ko sayo'y WALANG HANGGANG PAALAM."




-mga chong at chang, ito na ang pangalawa sa aking kwento nais kong ibahagi sa inyo... mababaw lang yan kaya wag masyadong umasa ah... hehehe kasi baka mabigo ko kayo. 


                                                                                        -uno

Friday, February 18, 2011

FalliN'

love is in the air! lol alam na nila kung bakit ito ang pinakikinggan ni uno...ang corny!... pero sila din naman! last song syndrome pa hahaha... kahit sintunado ako kumanta walang sintunado pag tinamaan ka ng pana ni cupido db hahaha...

oo nga pala... pag sobrang ligaya at sobrang lungkot ko ito ang pinakikinggan ko hahaha..
emote kung emote... senti kong senti...

pinili kong i-post ung original version...mas maganda ung arrangements eh simple lang...





I'm afraid to fly 

And I don't know why 
I'm jealous of the people who 
Are not afraid to die 



It's just that I recall 
Back when I was small 
Someone promised that they'd catch me 
And then they let me fall 



And now I'm fallin' 
Fallin' fast again 
Why do I always take a fall 
When I fall in love 



You'd think by now I'd learn 
Play with fire you get burned 
But fire can be oh so warm 
And that's why I return 



Turn and walk away 
That's what I should do 
My head says go and find the door 
My heart says I've found you 



And now I'm fallin' 
Fallin' fast again 
Why do I always take a fall 
When I fall in love 



Help me I'm fallin' 
Fallin' fast again 
Why do I always take a fall 
When I fall in love 



(it always turns out the same 
When I fall) 
Lovin' someone, losin' myself 
Only got me to blame 



Help me I'm fallin' 
Fallin' 
Catch me if you can 
Maybe this time I'll have it all 
Maybe I'll make it after all 
Maybe this time I won't fall 
When I fall in love





happy listening everyone!

-   UNO

Thursday, February 17, 2011

AKALA MO KASI...

humihingi po ako ng pasyensya sa lahat ng aking kapwa blogger kong hindi po ako masyadong nakakadalaw sa inyo...nitong nakaraang araw po ay sobrang tinamaan akong ng katamaran at hindi ko nga alam kong anong ilalagay ko dito sa blog ko...:)

habang nglalakad ako pauwi ng bahay... ito ang lumabas sa aking kukote...


kahapon... nabigla ako nang magpadala ka ng isang mensahe sa akin, pareho tayong online.
kinamusta mo ako, sagot ko "ok lng, buhay pa masaya :)" mabuti ang sabi mo. Ikaw naman ang aking kinamusta, gayundin ang iyong sagot ngunit may kasamang lungkot sayong sulat, nagpaumanhin at humihingi ng tawad...


Isa't kalahating taon na ang nakalilipas mula nung tayo nagkahiwalay, basta ang sabi mo ayaw mo na. Malabong mababaw ang rason, hindi ako pumayag... hindi ko tinanggap. Sabi ko maaayos natin ito, sabihin mo lang ang problema. Basta ang ayaw mo na, nagpumilit pa rin ako, nagmakaawa pero wala pa rin. Isang araw nagkita tayo, tinanong kita "sigurado ka ba na ayaw mo na ito na ang huli kong tanong sayo? huli na ito dahil tatlong beses na akong nagmakaawa sayo at hindi na makakaapat pa. Hindi ka nabahala, wala akong nakitang takot at walang epekto. Oo tinakot kita. Ang sakit pero kailangan kong tanggapin na wala na tayo. Tanda mo ba yung huling sabi ko " tandaan mo ito wala ng magmamahal sayo  katulad ng pagmamahal ko sayo, sana hindi ka magsisi." kahit papano kailangan kong bawiin ang aking moral. Ang sabi mo hindi magyayari yun may galit pa ang iyong tono, hindi ba't kinutsa mo pa ako... na  walang magkakagusto sa isang tulad ko....Hindi maganda ang ating paghihiwalay pareho tayong galit.


Isang buwan ang nakalipas, nabalitaan kong may bago ka na, ang bilis naman ngayon ako'y lubos na nasaktan. Sinubukan kong lumapit sayo ulit, ngunit patuloy mo akong tinaboy. Ang tanga ko daw sabi ng malalapit sa atin, harapin ko daw ang katotohanan kaya ko naman daw kahit pakonti-konti lamang. Lumipas pa ang mga araw mahirap man dahil nga iisa lang ang sirkulo ng ating kaibigan, kilala natin ang pamilya ng bawat isa. Hanggang kaya kong iwasan ka ginawa ko alam kong yun din ang gusto mo. Walang okasyon na isa sa atin ang wala. Agad-agad tayong umaalis pag nalalaman nating nandun ang isa. Alam nang lahat ang dahilan, hindi pa ako handang makita ang taong minahal ko ng lubos subalit naging sanhi na aking pagkasawi sa pag-ibig. Hindi pa ako handang magpatawad.Gustuhin man kitang kausapin, yakapin muli... palayain ang aking sarili sadya yatang ang sugat na akala ko hilom na ay nangangailangan pa ng sapat na panahon.


Nakatatlo o naka-apat ka mula ng tayo'y naghiwalay. Samantalang ako'y lihim na umaasa na ikaw magbabalik. Ngunit sa hindi sinsadyang pagkakataon, akala ko wala na akong pag-asa makakita ng papalit sayo dito sa aking puso, may kumatok at dumating, tumibok muli ito. Pinalaya nya ako sa kalungkutang bumalot ng matagal sa akinat hinilom nya ang sugat na iyong iniwan. Pinatawad na kita ngunit nanatiling dumistansya sa iyo, sa lahat ng umuugnay sa  atin. Maniwala ka sa hindi, pinatawad na kita kahit hindi mo pa hinangad ito.


Ngayon habang tayo'y naguusap, maligaya na ako ng totoo at tunay dahil nakawala na ako sa panaginip na tayo magiging isa muli. Nakalaya na ako. Ang sabi mo ako ay iyong gusto makita muli at sana mabigyan kitang ng panahon para makabawi.
Gusto mong bumalik, inamin na nagkamali ka.Tinanong mo kong wala na ba akong nararamdam sayo, inamin ko na meron pa, ngunit hindi na ikaw ang nagmamay- ari ng aking puso. Akala mo kasi patuloy akong maghihintay... akala mo kasi hindi ako mapapagod... akala mo kasi walang ng magmamahal sa akin... akala mo kasi...




paalam na... una kong pag-ibig....

Monday, February 14, 2011

HEART'S MESSAGE


Being single is a choice, it isn't permanent besides only you can make that choice. Right? ( tama ba ang english ko? construction ng sentence? lol ). 

single ka dahil walang dumarating...walang mapili... naniniwala ka na may nakalaan para sayo... sa destiny o kaya sa fate... single ka kasi ganito, ganiyan ang daming rason db... 

pero di ba lahat naman ng yan nagsisimula sa sarili natin... minsan nandyan na sa harapan natin ung hinahanap natin pero pinapalampas natin kasi ganito ganiyan... ang daming mong gusto... mabuti kaya magsimula ka muna sa isa... SA IYO... db...

walang dumarating... bakit ikaw ba handa na sa pagdating ng "the one" mo? baka nga dumaan na sya hindi mo nakita kasi nakatingin ka pa sa malayo...palinga-palinga naghahanap ka pa ng iba.

walang mapili... bkit ikaw lang ba ang marunong mamili... syempre hindi db... kaya kung ako sayo be prepared... kasi minsan ung lumalapit sayo ikaw pala ang napili nila kasi may nakita sila sayo na hindi mo nakikita sa sarili mo...be the right one ika nga...

naniniwala ka na  may nakalaan para sayo... sa destiny at sa fate... hello! real world po ito... ok... ako din naman naniniwala sa destiny at sa fate... kaso we have to do our part db... paano kung si destiny at fate eh busy pala sa ibang aspeto ng buhay mo katulad ng career eh di bokya (zero) ka sa love life... hehehe.

kaya hala sige... make a move... make a choice... tignan natin kung hanggang saan ka dadalhin ng iyong matapang na puso... do some actions... baka ang prinsipe o prinsesa mo nandyan lang sa tabi tabi...

-----------------------------OooENDooO-----------------------------

just a thought ...

single ka ngayon ok lng yun... pansamantala lang yan...next year baka ikaw naman ang kainggitan nila...

broken hearted ka ngayon ok lng din yan... pansamantala lang din yan... bukas makalawa o sa susunod na buwan wala na yan... tignan mo titibok uli ang iyong marupok na puso...

walang kang ka-date? marami kaya... si mama, si ate at buong pamilya mo... someday hindi mo na magagawang i-date si mama o si lola... db... treasure your moments with them... WALANG NG SASARAP PA SA ISANG INA NA MABIGYAN MO NG SAPAT NA ATENSYON AT PAGMAMAHAL... DATE YOUR MOM...

DATE YOUR SAVIOUR... tanging Sya lamang ang nagmamahal ng walang kapalit, buong-buo at nag-uumapaw... GOD IS LOVE...


HAPPY HEART'S DAY EVERYONE...

Sunday, February 13, 2011

Proudly Presents

bkit proudly presents? hehehe lulubusin ko na po ang pagbibigay ng espasyo sa aking mababait na kaibigan... so ngayon po itong post na ito ay para sa mga kaibigan kong ngayon ay unti unti ng nakakamit ang kanilang pangarap ang isa ay PROUD entreprenuer at modelo ng kanyang sariling fashion line ( FRANZ' COLLECTION), ang isa ay PROUD mommy na! at ang isa po ay PROUD to be with her SAVIOUR!




FIRTS IN LINE:  the Fabulous yet Affordable FRANZ' COLLECTION. Recently they have their succesful GRAND OPENING at EVER GOTESCO MALL. 


the alluring owner... miss sheila franz chay


here are samples of the beautiful accesories...and a lot more.





the opening day
so for this coming valentines, if you are looking for a perfect gifts... DITO NA KAYO! BILI NA!


for further information:
Come and check out their Clothing and accessories store!


Franz' Collections has opened it's 1st offline store on the
2nd floor (in front of MCDO) of Ever Gotesco Mall (Ortigas Extension, Pasig).




SECOND IN LINE:  THE NEW BABY IS COMING!  a little angel will make the world of my kind friend very happy... the long wait is over for them... happy motherhood dear DIANA... welcome to the world little angel! haaaaay 


was taken early this day... kinopya ko lng sa facebook nya hehehe




THIRD IN LINE:  a LADY IN BLOOM! this simple individual had found her eternal salvation! happy journey miss april!










AGAIN IM SO PROUD YOU GUYS! MAY THE GOOD LORD BLESS YOU MORE! HAPPY FOR YOU.... 

Saturday, February 12, 2011

Cyber Friends

a facebook friend send me this, asking me if i can post this one... i obliged, im giving this space for him... hope you like it.


Bakit kahit masakit, nagmamahal ka pa rin? 
by:Nan Landy


Wala lang, isinulat ko lang ito sa pagbabasakaling merong tulad ko na nagdurusa sa pagmamahal na binansagang bawal at makasalanan.
Simple lang akong tao, simple lang din akong magmahal. Gusto ko lang na tanggapin ako kung ano at sino ako. Iyong tipong ayos lang sa kanya, kahit ganito ako. Pero mahirap raw maghanap ng ganun. Simpleng lang, pero kumplikado para sa karamihan. Hindi raw ako pwedeng mahalin ng ganun ka simple, kailangang may kapalit. Kailangang bilhin ko ang pagmamahal na gusto ko.
Gusto ko sanang bumili ng ganun. Pero nakakapanghinayang. Hindi na kasi pagmamahal ang tawag doon at kung magawa ko man iyong bilhin hindi ko pa rin iyon matatawag na akin. Magiging isang pagkukunwari lamang ang lahat. Mas pipiliin ko na lang ang magdusa at masaktan at ang tanggapin ang aking tadhana kaysa sa sumaya sa panandaliang ligaya na dulot ng ipinagbiling pagmamahal. 
Mahirap magmahal, lalo na kapag bawal. Hindi mo pwedeng sabihin. Hindi pwedeng ipakita sapagkat pagtatawanan ka lang nila. Gagawin ka lang gago. Pandidirihan ka na para bang napakarumi mo. Naranasan ko na iyon lahat na halos gustuhin ko nang sumuko. Pero nandito pa rin ako patuloy na nagmamahal at handing masaktan. Hindi na bale. Tao ako eh, bahagi noon ang umibig, masaktan man ako. Hindi man ako kayang unawain ng karamihan, magmamahal pa rin ako. 
Ako lang naman ang masasaktan at puso ko ang masusugatan. Hindi nila kayang makibahagi sa aking kalungkutan. Kaya, wala silang karapatang ako’y husgahan. Hindi tao, kundi Diyos lang ang may karapatang humatol kung ako ba ay inosente o makasalanan.
Ganito na ako sa umpisa , hindi ko sinadya. Walang may gusto nito. Ganito ang aking pagkatao. Ito ang aking pagdurusa. Ito ang aking buhay. Ito ako…ikaw sino ka?



____________________________end_________________________________




one more thing nakakahiya nmn po... one of a facebook friend happens to be  a Philippine football team  Azkals member... just want to say CONGRATULATION! hehehe cute mo tlga... lalo na ngayon haaay love those muscle of yours....haaaaaay.




Friday, February 11, 2011

With A Smile

pangatlo sa listahan ng aking  makalumang music box ang kantang ito! i was 10 years old (1994- 1995) nung unang narinig ng pinoy ang kantang ito at hanggang ngayon uso pa rin super tagal na pala nito eh narinig ko ata ito when i was highschool 1997 nung tipong namumulat na tayo sa mundo ng musika.  TIMELESS! love this song tlga.
A LITTLE TRIVIA...
ERASERHEADS is one of the most successful, critically-acclaimed, and significant bands in the history of Original Pilipino Music, also credited for spearheading a second wave of Manila band invasions, paving the way for a host of influential Philippine alternative rock bands. Dubbed as "The Beatles of the Philippines". 


A LEGENDARY... an ICON.


this is the complete video watch it guys kasi sa baba kulang eh
nakaka in love tlga boses ni ely! haaay
ang sarap pakinggan ang original version nito sobra


Lift your head, baby,  don't be scared Of the things that could go wrong along the way  You'll get by with a smile  You can't win at everything but you can try.  Baby, you don't have to worry  'Coz there ain't no need to hurry  No one ever said that there's an easy way  When they're closing all their doors  And they don't want you anymore  This sounds funny but I'll say it anyway.  Girl I'll stay through the bad times  Even if I have to fetch you everyday  We'll get by with a smile  You can never be too happy in this life . In a world where everybody  Hates a happy ending story   It's a wonder love can make the world go round  But dont let it bring you down  And turn your face into a frown  You'll get along with a little prayer and a song.  (Too doo doo...)  Let me hear you sing it (Too doo doo...)  In a world where everybody  Hates a happy ending story  It's a wonder love can make the world go round  But don't let it bring you down  And turn your face into a frown  You'll get along with a little prayer and a song.  Lift your head, baby, don't be scared  Of the things that could go wrong along the way  You'll get by with a smile  Now it's time to kiss away those tears goodbye  (Too doo doo...)  Let me hear you sing it  (Too doo doo...) 

Tuesday, February 8, 2011

ENGINEER FRANCIS 7 ( last na to! promise)

gusto nyang makipagkita, nagyaya para gumala at mg liwaliw. Buong araw kaming magkasama, hindi ako pumasok ng araw na yun, nagtungo kami kung saan saan... nagsimba sa Quiapo, sinuyod ang divisoria, namasyal sa intramuros, kumain at nanuod sa SM.

francis:          ok lng talaga na hindi ka pumasok?

ako:        oo nga! kulit mo minor subject lang nmn ang mga yun, teka anung oras na? tanong ko habng
kumain sa  teriyaki boy

francis:            quarter to 8, bkit?

ako:            anung oras ka uuwi?

francis:             pinapauwi mo n ako, matapos kitang ilibre at igala.

ako:             bakit wala k bng balak umuwi? wala kang pasok. suno-suno kong tanong.

francis:                tinataboy mo na ata ako. sabay baba ng kanyang kubyertos.

ako:              hindi naman ngtatanong lang.

francis:             hindi mo ata ako na-miss ah...bumulong sya sa akin...

ako:             miss..maikling kong sagot

francis:            san tayo after this? sa dorm mo? pede ba makitulog?

ako:                bawal ang bisita sa room...you really miss me?

francis:            medyo...

ako:               i know a place...

francis:          parang alam ko n yun...sabay kindat

ako:         prepare yourself then...minulagatan ko sya ng mata!

matapos nmin kumain ay nagtungo nga kami sa lugar na alam ko.Sa lugar na walang bawal! in short motel.

francis:            12 hours.

receptionist:       ok sir. room 21 po.

pagdating sa room.

ako:       12 hours? walang ka bng balak umuwi ng maaga? wala ka bng pasok?

francis:        rest day ko hanggang bukas, besides ( naghuhubad ng damit) ito naman talga ang pinunta ko dito ( kinuha ang aking kamay inilapat sa kanyang matitipunong dibdib) tara sabay na tayong maligo.

sabay nga kaming naligo, sa lagaslas ng tubig na nagmumula sa shower ako ay tuluyan ng nadala sa mainit nyang haplos bumulong si francis.

francis:          shit ka... libog na libog ako pag naalala ko un unang tayong nagkita...putangina... akin ka lng ngayon!

CENSORED! hindi ko na po kailangan pang idetalye ang nangyari sa gabing yun( hahaba pa ito kung sakali at gusto ko na ilathala  ung isa hehehe) umuwi ako ng dorm kinabukasan matapos kong ihatid sa  bus station si francis, natulog ako buong araw at nagdahilan na may sakit para makapag-absent.  Sa anim na buwan ng pamamalagi nito sa amin probinsya, linggo linggo kaming nagkikita. Naging matiwasay ang aming paghihiwalay ng matapos ang project nila tito, ngayon masaya ng namumuhay si francis kapiling ang kanyang binubuong pamilya sa Cebu gayunman kaming dalawa ay naging matalik na magkaibigan.

RRRRRRRRIIIIIIIIIIIIIIIIIIIINNNNNNNNNNNNGGGGGGGGGGGGGG!!!!!!!!!!!!!!!!!! ang school bell hudya na tapos na ang unang subject sa umagang yun.

prof:      mr. escobar ( hindi totoong apelyido) pede ka bng makausap.

ako:       yup sir para po saan?

prof:             tungkol dito( sabay bukas ng folder)

ako:           anu po ang problema?

prof:           totoo ba nangyari ito?

ako:         50-50 patay malisya kong sabi

prof:              anong parte ang totoo at hindi.

ako:          na nakikipagsex ako sa lalaki sir. at si francis yup na -meet ko sya at nag-anuhan kami. yun ang totoo... about my family hehehe sir kathang isip ko lng yun kasi hindi nmn kami mayaman eh at hindi po engineer ang tito ko heheheh(HINDI PO KAMI MAYAMAN). bkit sir natanong nyo?

prof:            i did tell you to write something different but this one( nag-english ang prof ko)...masyadong mahalay... at ikaw pa mismo ang character.

ako:             i can edit some of the scenes sir( englishan na rin). at masama ba na kasama ako sir ( malandi kong sabi). besides sabi nyo dapat makatotohanan so i did... 50 percent nga lang db. sige sir mauna na po ako gutom na ako. meron pa po ba kayong violent reaction?

prof:    wala na, anyway good job i thought it was all true...

ngumiti ako. yes pasado na ko sa Filipino subject ko haaaay buti n lng...


p.s
sa lahat po ng aking masugid na mambabasa ( as if meron hahaha) kahit ang babaw at walang kwenta ang kwentong ito.... SALAMAT PO! sa susunod po uling kwento...kita kits...

kiss sabay hugs sa inyo!

Monday, February 7, 2011

"open"

ito na ang pangalawa sa nakita ko sa aking musicbox 
maaring hindi nyo po ito magustuhan hehehe kasi nmn ang corny at pangit ng type of music ko eh senti lagi...

i love roselle nava... nung first time kung marinig ang boses nya live...i was swept away... i fall in love...marami pa akong kanta nya hehehe



I know you can’t pretend

And there’s just no way to hide
The pain you feel inside
I admit that I was wrong
I was so cruel
To hurt you
But if you could 


Chorus:
Open your heart to me again
Just close your eyes
Let me hold you again
Let me be your shelter from the rain
Just open your heart
To me again 

Won’t you keep the faith
And believe in what I say
For all the tears 

For all the broken dreams
I apologize
For hurting you
But maybe you should 

Repeat Chorus 
Bridge:
Let me try to mend that heart
Let me kiss your fears away
Let me be the one to hold you again 

Repeat Chorus transposed several times

Saturday, February 5, 2011

unknown GOD

sino nga ba ang iyong unang pag-ibig? pudpod na tanong lumang kasagutan.
syempre hindi na bago ito... lahat ang isasagot ay ang kanilang unang hinangaan at naging katipan, ang iba naman ang sagot ay kanilang magulang at ang ibang matutuwid ay ang Diyos ang kanila unang inibig... tama?

at bkit patuloy pa rin tayong nagtatanong ng katulad nito, ako din naman ay nagtataka, bakit nga ba? nakakasawa di ba...

aminin natin minsan sa ating buhay o sa isang pagkakataon pag ito tinanong hindi ang DIYOS ating isasagot. bkit nga ba? dahil hindi natin sya nakikita? o dahil hindi natin sa naririnig? o dahil hindi mo sya nakakausap? marunong ka bang manalangin, sadya yatang hindi mo alam ang ibig sabihin nito.
ang panalangin ay isang pribelihiyong ibinigay sayo ng Maykapal upang siya ay libre mong makausap, ito walang bayad. Makikinig Siya.

Marahil hindi nya naibigay ang gusto mong mapasayo? kaya hindi mo sya maalala, o marahil wala sya sa iyong tabi kong kailangan mo ng karamay? walang kang kainuman, ka-yosi, ka-starbucks at kabasagan ng trip? marahil nga iyon ang dahilan kong bkit hindi sya ang iyong naisip. Hindi rin kita masisi nawili ka sa mundong mapaglinlang.

Huwag naman sana ang iyong sagot ay hindi ka naniniwala sa Kanya.

lahat tayo ay nalinlang... nabulag, nabingi at manhid sa katotohanang ang ang ating unang pag-ibig ay ang DIYOS na BUHAY. Ikaw mismo ay simbolo ng kanyang ganap na pag-ibig!

ang buhay natin ay magkakarugtong... hinahabi ng tadhana...sa gabay ng DIYOS AMA.

sa dulo nitong paglalakbay... iisa lamang ang mananatili sa iyong tabi...SIYA lamang, ang iyong hindi nakikilalang AMA.

Friday, February 4, 2011

NaGkApAgTaTaKa

nyaks... since LOVE MONTH...share ko na ung MGA ( ARAW-ARAWIN ANG PAG-POST)love song ng aking buhay hahaha ang corny nakakahiya hahaha..
so ito ang una sa listahan...
enjoy!

OPM MUNA!



Walang tigil ang gulo

Sa aking pag-iisip,

Mula nang tayo'y nagpas'yang maghiwalay;
Nagpaalam pagka't hindi tayo bagay,
Nakapagtataka (hoh hoh)



Kung bakit ganito

Ang aking kapalaran;
Di ba't ilang ulit ka nang nagpaalam,
At bawat paalam ay puno nang iyakan?
Nakapagtataka, nakapagtataka



Hindi ka ba napapagod,

O di kaya nagsasawa,
Sa ating mga tampuhang
Walang hanggang katapusan(oh?)



Napahid na'ng mga luha,

Damdamin at puso'y tigang,
Wala nang maibubuga,
Wala na 'kong maramdaman (hoh)
Kung tunay tayong nagmamahalan
Ba't di tayo magkasunduan? (oh hoh hoh)



Walang tigil ang ulan

At nasaan ka araw?
Napano na'ng pag-ibig sa isa't isa?
Wala na bang nananatiling pag-asa?
Nakapagtataka, saan na napunta?



Hindi ka ba napapagod,

O di kaya nagsasawa,
Sa ating mga tampuhang
Walang hanggang katapusan(oh?)



Hindi ka ba napapagod,

O di kaya nagsasawa,
Sa ating mga tampuhang
Walang hanggang katapusan(oh?)



Kung tunay tayong nagmamahalan,

Ba't di tayo magkasunduan, oh hoh ho hoo?
Hmmm...



More lyrics: http://www.lyricsmode.com/lyrics/m/mymp/#share
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...