Tuesday, 30 November 2010

LIHAM

Alam kong galit at naiinis ka sa akinng lihim... hindi ko alam ang rason, ramdam na ramadam ko yon kahit ilang beses mo pa itanggi.


Intentionally mo akong sinasaktan, hindi ko alam kong saan ako nagkulang gayunpaman ako ay humihingi ng dispensya... SORRY.


Aaminin ko sayo ngayon, na isa sa mga taong kakalimutan ko, siguro dahil napagod na rin ako.Nasasaktan ako sa paraan ng pakikitungo mo sa akin... mali man sabihin pero ito ang aking nakikita, PINAPLASTIK MO AKO. Bulag din naman ako, hindi ko siguro nakikita yong concern sa bawat oras na magkakasama tayo, madalas kasi kung nagkakausap tayo hanggang kaya mo akong ibalewala ginagawa mo.


Alam kong magagalit ka sa mga pinagsasabi ko, wala na rin akong pakialam, kilala naman kita, ugali mo ang walang pakialam sa mga taong nagdaramdam, para sayo sila hindi kawalan kahit sila pa ang isa sa malapit sayo.


At ngayon nga... meron akong pagkakaton sabihin lahat ng ng aking sinasama ng loob. Bago man lang tayo MAGKALAYO... Sa lahat ng oras at panahon na magkasama tayo, magkasangga sa bawat pagsubok at unos ng buhay, magkasalo sa ligaya at lungkot at magkahawak sa paglalakbay at pag-abot ng tagumpay...


Nais kong sabihin... may hinanakit man ako... SALAMAT AT PAALAM...


AKO'Y NAGING TOTOO SA LAHAT NG PAGKAKATAON, nandito lang ako hindi kita iiwan at hindi ako lilisan...
         
                    sana ay ikaw rin mahal kong kaibigan...


Ikaw – Sarah Geronimo Song Lyrics


No comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...