Wednesday, 24 November 2010

ICE CREAM PARLOR ( CHAPTER 7 )

Nagkatotoo ang sabi ni best, going 5 months ang aming realsyon, akala ko hindi na matatapos ang kaligayahan ko.TAMA! love hurts! masakit makita ang mahal mo na may kahalikang iba.

Nagkayayaan kaming magkaka-intern na lumabas, isang disco bar at may videoke sa itaas na bahagi. Umupa kami ng isang room, kantahan at inuman, dahil hindi naman tlga ako marunong kumanta namulutan ako. Nagyayang sumaglit muna sa cr si diane, maingay sa ibaba, nagsasayawan, puno ng usok ng sigarilyo at kwentuhang pasigaw. Naghintay ako kay diane sa bar.

"sir anu order nyo?" ang bartender.
"wala hinihintay ko lng kasama ko." sagot ko.
"Oy! tipsy na si diane, nagiging matalas n ang pananalita. 
"parang nakita ko bf mo dun sa hallway papuntang crng boys, db matangkad?moreno? at mejo kulot ang buhok?" pagdedescribe nya d2. 

"ayun may kahalikan!...oops sorry! napadighay at sabay hila sa akin.

"joey?" pagaa-assure ko kung sya nga ito. Nabigla, tumigil sa ginagawa, nagawi ang tingin ng kanyang kahalikan sa akin at tumigil din.Dagling umalis si diane...

"anu toh?" tanong ko.
"hinahalikan ko ang syota ko." banggit ng kasama nya.
"what?" sarcastic kong tanong.
"yes you heard it right, im kissing my boyfriend! ikaw sino ka?"
"joey?" tanong ko ulit sa knya, wala itong imik.
" i think we should change venue" hila si joey.
"wait!" hinawakan ko ang braso ni joey.
"kilala mo ba sya?
"YES! this man with you is my current boyfriend!" hawak ko kay joey.tahimik pa rin ito.

"joey totoo ba?" tanong nito.
HE NODDED. "HINDI." SHIT ANG SAKIT.
"oh hindi naman pla eh, dont be a crybaby, dramatic ah." hindi ko napansin na dumaloy n pla ang luha ko.

"SIGURADO KA JOEY?" paniniguro ko.
"nasagot ka na nya!" excuse! sabay alis ilang dalawa. 
"shit kayo! mahina pero alam kong nadinig ni joey yun dahil bago sila makalayo lumingon sa akin si joey. putang ina.

Umuwi ako hindi ko alam kung san ako magsisimula. Sino kakausapin. I was devastated, my heart have been broken many times, ito ang pinakagrabe. Days passed, I tried to talk to joey but i didn't get response. Pinuntahan ko sya sa school at hospital, gusto ko na nga puntahan sa apartment nila pero alam kong hindi pede. Nagtitxt ako at tumatawag sa knya still no response from him. I acted naturally as if nothing happened. No one know my heart's situation even my bestfriend. Ayaw kung pagtawanan nya ako. For 2 weeks, i keep on reaching him but i failed. shit! ang hirap...

Finally joey broke his silence, nagtxt ako sa kanya.

"please do talk to me, hindi na ako galit. kausapin mo nmn ako, kailangan ko lng marinig lahat ng sasabihin mo, anung nangyari. I'm hanging on, I have to let go, i have to move on kaso hindi ko alam kung panu. I need closure and formality, hindi na ako galit... joey help me."

"ok usap tayo, magkita tayo sa park, kids playground. Nang hapon na un nagkita nga kami, nag-usap, what had happened, what went wrong. Nagsawa na daw sya. Trial and error parang experiment, ang totoo hindi nya daw ako mahal, akala nga lang daw mahal nya ako nung nagselos sya. Nang may nangyari sa amin napagtanto nyang nasanay lng sya sa presensiya ko.Pinagbigyan nya lng daw ako. Tahimik ako, ang sakit, ako lng pla ang namamahal, tama nga si best. shit!

"sorry" banggit nya. umiyak na ako ng tuluyan.

"joey, alam kong hindi ako perpekto, tao lang ako, alam mong mahal kita, masakit lahat ng pinagsasabi mo ngaun... kahit ba minsan, minsan jan sa puso mo minahal mo ako?

Hinawakan nya ang aking kamay. "mabait ka, tunay ang nasa puso mo kaya nga natakot akong aminin sayo. Sabi ko bka madevelop din ako kaya nga pinilit kongmahalin ka pero wala eh."

Binawi ko ang aking kamay. "SHIT KA! sana sinabi mo na lang, hindi kita gusto tapos! ganun! period! mas tanggap ko un! hindi ung pinilit mo lang sarili mo na mahalin ako! that's bullshit! alam kong hindi ako kawalan sayo dahil maraming magkakandarapa sayo pero ito lang sasabihin ko, ISANG ARAW PAGNAGKITA TAYO ULIT MAKAKATINGIN AKO NG DERETSO DAHIL ALAM KO NAGMAHAL AKO NG TOTOO." sabay alis.

Derederetso akosa ice ceam parlor,namamaga ang mata, kahit gabi na sinuot ko ang shades ko.

"5 scoops of mango ice cream." nakatungo.

Sa halip na lima, naging sampu ang scoops, nagtaka, nagulat ako si CHARLES nakangiti ag nasa counter.

"may problema ba?"

itinaas ko ang ice cream kasabay ng aking kilay. 

" I SAID 5 SCOOPS OF ICE CREAM." 

nakita ko lumabas si tita sa opisina nya kasama ang kahera. SHIt!
wala na akong nagawa kinuha ko ang ice cream parlor sabay sabi.

"I need space! dont even try to talk to me! wag nyo akong istorbohin." pagbabanta ko, mahina ngunit madiin.

Mahirap magmahal kaakibat nito ay ligaya ngunit mayron din lungkot. Without joey around, things will change eventually. Mahirap pero kakayanin ko. Anu ang natutunan ko, ang relasyon na isa lng ang nagmamahal ay walang patutunguhan kahit anu pa ang mgawin mo para maging matiwasay ang pagsasama nyo. Ngunit may mga ganun nma tlga, ang mahalaga, masaya at wala kang pagsisi sa huli. Masasabi ko sa sarili kong minahal ko sya ng totoo. IT'S JOEY'S LOST, KASI WALA NG MAGMAMAHAL SA KANYA NG KATULAD NG PAGMAMAHAL KO SA KANYA kahit ngayon habang nasa ice cream parlor ako luhaan, bigo at sawi... ok lng... kakayanin ko to! aja!

ikakain ko n lng muna to...


WAKAS.


"sa mata ni uno... maaring ang kwento ko ay naging kwento mo."




1 comment:

  1. nice story galing muh poh :)

    waiting for your next story :)

    ReplyDelete

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...