Friday, 10 December 2010

SaLaMin






Sa lahat po ng mga hindi nagdamot na isama ako sa bloglist nila,nakishare ng link, naging follower ko at bumisita sa aking simpleng bahay... Maraming Salamat po! Mabuhay po kayo!



Salamin, salamin...
Sa dilim ako'y hanapin
Landas iyong tuwirin
Pagkatao ko'y iyong tukuyin
Ipakita ang tunay na hangarin


Salamin, salamin..
Ako'y bigyang pansin
Tanging panlabas na anyo'y sisilayin
Sa kapayakan ako ay iyong hanguin
Sa kamangmangan ako ay iyong gisingin
Sa kamalian, iyong intindihin
Sa panghuhusga ko, ako'y patawarin

Salamin, salamin...
Kaluluwa'y iyong silipin
Pagkukulang ko'y iyong suriin
Nang puwang sa puso'y punuin
Diwa ko siyasatin
Pananaw ko'y baguhin
Nang ganap na kapayapaan akin ng angkinin

Salamin, salamin...
Nakalimutan ko ang iyon bilin
Ipakita ang totoo sa'yong iibigin
Dapat puso ang gamitin
Sapagkat kaligayhan abot hanggang bituin
Wagas na Pag-ibig yan ang babaunin

Salamin, salamin...
Ngayon ako ay alipin
Nang aking huwad na likhain
Pagbabalatkayo'y tatapusin
Maskara ko aking huhubarin
Sarili ko man ang sisihin
Pagdurusa aking papawiin
Sa gapos ng kalungkutan palalayain

Salamin, salamin...
Ako'y iyong harapin
Sarili ko ngayon mamahalin
Lubos na kikilalanin
Nang hindi na nabibitin
Puso ko paliligayahin
Patuloy kong didingin
Ano man ang iyong Tingin
Ako ay Tanggapin...

11 comments:

  1. naks... galing.. mirror mirror on the wall..... :D
    hehe :D

    ReplyDelete
  2. honggaling!!! ikaw na makata. hehehe

    ikaw nag-drawing???

    ReplyDelete
  3. salamin salamin, sino ang may pinakamagandang angkin hihi...

    ReplyDelete
  4. ung tula po ay akin gawa...

    ung drawing nakuha ko lng po sa isang art exhibition d2 sa web :)

    ReplyDelete
  5. ayan! nasa blog roll na kita. salamat pala sa pagtambay sa site ko. balik ka!

    nwei, ganda ng tula. pwedeng pwede!

    ReplyDelete
  6. buti kpa po ang dami mo nang followers tska viewers.bt ako wla?wla atang ngmmhal skin.hmft.

    ReplyDelete
  7. @uberjesicalopez: thanks po: welcome sa blog ko...

    ReplyDelete

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...