Thursday, April 7, 2011

"Yearbook"

matagal-tagal na rin po mula noon at pawang alala na lamang ang lahat, mula noong nagtapos ako.
Nais ko pong pabatiin ang lahat ng magsisipagtapos ngayon taon. 
CONGRATULATIONS BATCH 2011!
at sa mga magulang ng nagsipagtapos tunay po kayo ang panalo dito!



---------------------end--------------------


HAYSKUL KO TO!
Librong punung-puno nang alala, bawat pahina may istorya, bawat titik at salita may isinatitinig, bawat salaysay may mensahe at bawat larawan may kwento.

Ang sarap balikan ang kahapon, masasayang kwentuhan at harutan, tuksuhan walang humpay, malalakas na tawanan at asaran, iyakang walang saysay at walang katuturang awayan at bangayan.

Iba't ibang ugali, may sari-sariling grupo, nandyan ang grupo ng matutuwid, mababait, tahimik , masunurin, sa madaling sabi mga paborito "teacher's pet, ngunit hindi maitatago na ang iba sipsip at nasa loob ang kulo.Nandyan naman ang grupo ng magugulo, maiingay, pasaway "teacher's enemy subalit alam mong may talinong angkin. Pero sa kalokohan at sa ikakabuti ng klase nagkakaiisa ang grupo. 

Sa paglipas ng panahon, sa kabila man ng lahat, iba-iba man ang direksyong ating binabay, may kanya-kanya mang diskarte, magkakasalungat man ang pananaw at may sari-sariling buhay, ang iba nagkapamilya na, ang iba nangibang-bansa, naging matagumpay samantalang ang iba naman ay bigo subalit patuloy pa rin nakikipagsapalaran. Ngunit hindi natin maipagkakaila, naging parte at may ibinahagi sa pagkatao ng bawat isa, dahil minsan nagsalo tayo sa ligaya, lungkot, tagumpay, kabiguan, pagpupunyagi ng ating kabataan. Ikaw, ako bumuo tayo ng pagsasamahang hindi na mababago ng paglipas at bilis ng panahon, nanatili tayong magkakaibigan.

Salamat sa kwento, natuto akong makinig.
Salamat sa awayan,tampuhan at tuksuhan, nalaman kong hindi ako perpekto.
Salamat sa bawat luha, naranasan kong masaktan.
Salamat sa bawat ngiti, tawa, asaran at harutan, nalaman kong masarap mabuhay.
Salamat sa bawat oras ng pakikiramay, nalaman kong hindi ako nag-iisa.
Salamat sa lahat ng payo, natutong akong umunawa.
Salamat sa bawat yakap at tapik, nalaman kong lahat tayo may kahinaan.
Salamat sa karunungan, malaman ang mali at tama, natutong akong magmahal.

Hindi man tayo madalas magkita, sapat na itong Yearbook na nagbibigay alala at kaalaman na ako ay nagkaroon ng mga tunay na kaibigan... sa muli nating pagkikita mga chong!

13 comments:

  1. ano ba yan puro sad moments ngayon halos lahat nakakarelate ako......

    ReplyDelete
  2. highschool talaga pinaka-enjoy na level ng buhay ko.. pwede ka maging kung anu ano sa buhay mo.. pwede ka maging makulit, tsaka kahit medjo chaka... hay nakaka-miss.. ang saya ng highschool na pang pinoy... hindi mo kailangan maging super serious..

    ReplyDelete
  3. masaya talaga ang maging estudyante kasi wala masyado pressure except exams and grades

    and marami pang vacation like summer,sembreak, xmas etc.

    maganda ang post mo always positive thinking

    ReplyDelete
  4. tama ka kamila..pinaka enjoy ang high school life..
    pinaka maraming moments talag ang HS.
    thanks 4 posting this

    ReplyDelete
  5. nakakamiss din yung HS...

    pati college, pati yung previous company. lahat ng naging parte ng buhay mo. nakakamiss.

    ReplyDelete
  6. mas namimiss ko college.. hehe

    ReplyDelete
  7. miss may high school days too kahit na lagi kaming nagkikita twing sembreak at mga baksyon iba pa rin ang high school moments and bonding..

    ReplyDelete
  8. hay napatingin tuloy ako ng mga hs pics ko. kaka-miss nga. sad din kasi may kani-kaniyang buhay na...

    ReplyDelete
  9. enjoy tlga hi skul.. wala pang mabigat na mga problema!

    ReplyDelete
  10. ay di ko macompare ang highschool days at college days ko kasi parehas silang masya... pero nakakasad na eewan ko na naman sila.. huhuhu

    ReplyDelete
  11. Ako mas gusto ko college, ayoko sa high school mas bata boring and weirdo stuff lng ang ginagawa..

    ReplyDelete
  12. dahil sa post na ito..naalala ko n namn mga kakalse kung di ko na alam kung nasaan..haist..

    the best tlaga ang hiskul lyf...

    ReplyDelete

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...