Monday, April 4, 2011

"Pinakamahabang Tag-araw"

marami pong salamat sa mga bumibisita dito at patuloy pong nagbibigay ng komento, nagpapansin lang ulit matagal-tagal na rin hindi ako gumawa ng tula... tula nga ba itong masasabi hahaha
kasi naman yung ibang blogs ang gagaling sa paggawa ng tula nakakahiya sa kanila.


Nais kong magtampisaw sa rumaragasang ilog,
magpaka-anod sa agos nito.
Gumawa ng bangkang papel,
makipagkarerahan kasama ka.

Nais kong magpalipad ng saranggola,
makipagpaligsahan sa hangin.
Tumakbo sa parang, makipaghabulan kasama ka.

Gusto kong sumakay sa bangka't mangisda,
makipaglaro sa alon,
gumawa ng kastilo ng buhangin
saksihan ang paglubog ng araw kasama ka.

Gusto kong magbyahe
tumungo paroon
wala man direksyon
gusto ko mawala at magpalaboy-laboy
 kasama ka...

Nais kong makipag-unahan sayo gamit ang bisikleta
umikot-ikot sa parke
kumain ng hopia at uminom ng palamig
makipag-pantintero,tumbang preso
nais kong maging bata muli kasama ka.

Ngunit lumipas na ang ilang tag-araw,
ito pa rin ako nangagarap kasama ka...
asan ka na nga ba?


14 comments:

  1. you're wanting someone badly are you??

    :/

    ReplyDelete
  2. super like... nais kong maging bata ulit.. :)

    ReplyDelete
  3. @theo: welcome back sa blog ko kamusta ka na?

    hindi lang nmn someone eh... im longing for someone talaga...

    @kikomaxxx: salamat at nagustuhan mo... ipagdadasal kita sa defense mo...

    ReplyDelete
  4. aawww! napaka sad naman ng poem na ito... imiss reading your blog kuya uno.. ;)

    ReplyDelete
  5. @sweetish: thanks po! talaga! wow na-inspire naman ako sa sinabi mo...

    ReplyDelete
  6. haist sad naman :)

    but i labit!

    gandang umaga uno!

    ReplyDelete
  7. kasama ako..? sige na nga.. tara gala tayo hahha. chos lang Uno... :)

    pero maganda tula mo!!!!

    ReplyDelete
  8. haaayyyy...


    eto lang masasabi ko kuya uno! ang sad....
    at ikay nagbalik uli.. hehehe.... ^^

    ReplyDelete
  9. ahhhh...the simple joys of childhood...worry-free....carefree!

    you have a flair for poetry! galing!

    ReplyDelete
  10. uy...touch naman ako...galing ha..parang nakarelate ako! hahaha! emo mode tayo emo month ba ngayon?

    gusto ko rin syang makasama,pero sino ba sya?lol

    ReplyDelete
  11. aww. ang sad naman uno. pero ang saya ng lahat ng mga gusto mong gawin with him.

    ReplyDelete
  12. maganda ang pagkakasulat mo..galing naman..

    ReplyDelete
  13. awww.. kala ko happy ending na. tsk.

    ReplyDelete

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...