alam ko pong huli na ang post na ito, ilang araw ko din kasing pinag-iisipan kung ano ang ipo-post ko. Maari pong post na ito ay salat sa impormasyon nawa po ay pagpasyensahan nyo na. Tuliro pa rin ako hanggang ngayon. Sana may sagot na sa aking problema.
-----------------end----------------
Semana Santa, isang tradisyon kinalakihan ko na bilang isang Kristiyano, sumasabuhay sa huling araw ni Hesus. May iba't ibang paraan kung paano natin ito gunigunita. May palabas na katulad ng senakulo, penitensya, pasyon, Visita Iglesia, pag-aayuno at marami pang iba.
Hindi ako tuwid, hindi ako tradisyonalista lalong-lalo nang hindi relihiyoso, pinaniniwalaan ko ang tama, pinaninindigan ang aking pananampalataya, alam kong may DYOS na BUHAY. Hindi man ako sumusunod sa nakagawian na ng nakararami, inirerespeto ko naman ito dahil bahagi na ito nang ating kultura.
Ang huling nalalabing araw ni Hesus sa mundo ay puno ng paghihirap, pagdurusa, mga pangaral, habilin at mabuting balita, ang kamatayan Nya ay pagtubos Nya sa atin mula sa kasalanan. Maraming naging bahagi ng kwentong ito, iba't ibang karakter.
Ang mga Paraseo, ang mga banal na itinituring ngunit mga hipokrito at bulag, salat sa tunay na pananampalataya.
Ang mga Hudyo, nagbubulag-bulagan, nagbingi-bingihan sa Tunay na Dyos.
Ang mga Romano, dahil sa kapangyarihan, natakot silang harapin ang katotohanang nais ipahatid ni Kristo.
Si Poncio Pilato, matalinong tao, may sapat na kapangyarihan, may konsyensya at alam nyang walang kasalanan si Hesus ngunit nagpatalo sya sa takot hatid ng mga Paraseo at Hudyo.
Ang mga Apostol, ang tagasunod ni Hesus. Sa kaalamang iiwan na sila ng kanila Guro, ang kanilang pananampatalaya'y nasubok.
Si Pedro, tatlong beses nyang itinanggi si Hesus.
Si Maria Magdalena, ang babaeng makasalanan ngunit tinanggap ni Hesus at naging masugid Nyang tagasunod.
Si Maria, ang Ina ni Hesus, ang makita nyang unti-unting pinapatay ng mga Romano ang kanyang anak ay dumudurog sa kanyang puso. Isang huwarang babae, buo at malinis.
Ang Dalawang magnanakaw sa tabi ni Hesus, ang isa kahit sa huli ng kanyang hininga ay hindi nya nakilala ang Dyos at patuloy na hindi naniniwala at ang isa alam nya at inaamin sa sarili sya ay makasalanan na dapat bayaran, sa huli sya ay nagsisi at naniwalang may Dyos.
At si Hudas, nasilaw sa yaman ng mundo, natakot sa kanyang kinabukasan, isinanla nya ag kanyang kaluluwa, tinakwil ang kanyang pananampalataya at pagtaksilan ang anak ng Dyos.
Sa makabagong henerasyon, si poncio pilato, si maria magdalena, ang mga hudyo, mga paraseo, mga romano, mga apostol, si pedro, si hudas o kaya ang dalawang magnanakaw ay maaring ikaw.
Alin ka sa kanila?
Ngunit ang mahalaga, ano man ang iyong naging bahagi sa buhay ni Hesus, ikaw man ang kanyang koronang tinik, ang pakong bumaon sa kanyang kamay, ang hagupit ng mga palo na halos ikamatay at ikapatid ng Kanyang hininga o ang kanyang mabigat na krus ay patuloy ka Nyang minamahal at tinatanggap. Tinubos ka nya sa kasalanan.
Ngayon Semana Santa higit man sa lahat ng tradisyong ginagawa, ang iyong pagbabalik loob sa DIYOS, mabuhay ng nararapat ayon sa Kanya ay sapat na para masabi mong ikaw ay tunay na Kristiyano.

Great idea!
ReplyDelete.
.
I think I'm more of a "Pilate." Being a Catholic and all, of course I wanna follow Christ and do what His teachings tell. But often times, the worldly call is too much to ignore. And so I let Jesus be crucified over and over again as i sin.
.
.
I think a "Happy Easter" greeting is appropriate here!
I hope you had a blessed week uno.
ReplyDeleteBalik ka agad..
ReplyDeleteWell, hopefully hindi lang tuwing Semana Santa nagbabalik-loob sa Panginoon. Parang ang hirap di ba kung yearly lang? Sa tingin ko, ang Semana Santa ay isang pagpapaalala sa atin na hindi naging madali ang kabyaran sa ating mga kasalanan kung kaya't sa bawat araw ng buhay natin tayo ay nagbabalik-loob sa Panginoon.
ReplyDeleteIsang inspirasyon ang iyong entry.
Nagagalak magkomento,
Kumag ng Kabulastugan Blog
kamusta kana Kuya?missed u a lot na
ReplyDelete