Tuesday, March 29, 2011

Walang Hanggang Paalam 3

Laboratory.


Pagkakuha ko ng number, umupo at naghintay ng tawag. 73 na... pang-80 ako matagal-tagal pa ang sabi ko. Tahimik kong tinatanya ang dalawang taga-kuha ng dugo. Mukhang bago at para nagtri-training palang. Patay lalo akong sinuklob ng takot at kaba.

Sa may reception area. 

Aki:              "Glenda wala na bang kukuhanan?"

Glenda ( ang  lab. receptionist):     "wala na  Sir."


Aki:                "Sure na ba yan  ah?"


Glenda:           "Opo"


Aki:             "ang toxic mo nmn kasi ganda!" pagbubuska nito.


Glenda:         "Ikaw kaya Sir in-demand ka eh." Sabay sila natawa.


Aki:             "sa susunod ayaw kitang kapartner! joke!" ngumiti ito.


Glenda:       "Sir naman." 


Aki:        "sya sige papasok na ako dami pang gagawin kung may kukuhanan sabihan mo lang si Tess ok?" break muna sandali.


Sinadyang makinig ni Lucas at sa kanyang nalaman may naisip ito. 

Lucas:     "Ayos!" biglang nawala ang takot.


79...
80...


Lumapit sa receptionist.


Lucas: "Miss pede bang ung kukuha sa akin yung matangkad na kausap mo kanina?"


Glenda:    "si Sir Aki po? wait lang Sir ah tawagin ko po"


Lucas:        "thanks!"  ngumiti ako ng pagkatamis-tamis.


pagkaraan ng ilang minuto.


Aki:       "Glends sino yung patient?"


Lucas:        "Ako!" sabay ngiti.


Aki:          "Sir kayo pala. wait lang po ah. sige po punta na lang po kayo sa extraction area." tila nabigla.


Glenda:      "sir kilala nyo? ang cute ah."bulong nito.


Aki:        "loko! hindi ko kilala napagtanungan lang ako kanina."


Glenda:    "oi si Sir."


Aki:      "shhh wag ganun!"


samantala sa extraction area.


Lucas:    "si Aki na ang kukuha sa akin hihintayin ko lang sya."


tess:        "kilala nyo po ba si sir? sige po dito n lng kayo sa isang upuan."


Lucas:      "hindi. salamat." maikling tugon nito.


tess:         "sir kayo daw ang gusto ni mr. pogi."


Aki:         "Pasyensya na po minsan lang kasi makakita ng tao yan si tess, patingin nga po ng request nyo?" patay-malisya.


tess:         "sorry po. Sir naman honest lang."


Lucas:       "ok lang yun im use to it." natatawa sa daloy ng usapan... light at nakakaalis ng takot.


Aki:           "Sir medyo marami ang kukunin ko ah. your name sir?" tanong nito.


Lucas:          "Lucas Barrameda." kinabahan marami ang kukunin sa kanya biglang nanlamig.


aki:               "ok sir patingin po ako ng braso. close your hand sir?" hinawakan ang kamay.


Lucas:            "wait lang ah natatakot kasi ako? masakit ba?".ang totoo nabigla sa pagkahawak ni Aki.


Aki:             "yes." walang kagatol gatol nasabi nito.


Lucas:           "what?!"


Aki:               "don't worry Sir mabilis lang to promise." habang hinahanap ang ugat.


tess:                "oo nga sir mabilis lang si sir Aki pa." sumbat nito


Lucas:            "sure? promise?"


Aki:              "I promise. ang laki ng ugat mo rito oh." ngumiti at nagsuot ng gloves at face mask.


Lucas:        "wait lang kabado ako talaga takot ako sa dugo at turok." namumutla.,


Aki:           tinanggal ang mask, ngumiti. " Sir promise mabilis lang to trust me. In less than a minute matatapos tayo" kinuha nito ang braso. "ok? magbibilang ako ng 123 sa pangatlo hinga ng malalim ok?


Dahil sa pagkakangiti ni Aki, hindi na namalayan ni Lucas na kunukuhanan na sya ng dugo at sumunod nalamang sa instruction nito. May tinatanong ito sa kanya pero hindi nya ito masagot dahil ang kanyang pag-iisip ay napukaw ng sandaling tumitig si Aki para sabihin tapos na...


Aki:      "Sir? tapos na po. Ok ka lang Sir? Sir?" ulit nito.


Lucas:    "huh? tapos na? yeah yeah I'm ok."  biglang tumayo.


Aki:       "ung resulta po....Sir!" hindi na naituloy ang sasabihin nito dahil biglang nabuwal ang pasyente at napayakap ito sa kanya.




Itutuloy....

8 comments:

  1. ayyieee.. may next chapter na mukhang maganda yung next chapter :D

    ReplyDelete
  2. echos!

    nakakakilig ah!!!

    ituloy mo na uno!

    ReplyDelete
  3. Uno... jellow sa pagfifiction ah.. hahaha.. mas carry ko na yung ganitong level.. pero may dapat yata ako huminga ng malalim sa mga susunod pa.. hehehe i-cacarry ko sige na katulad ng pag carry ko sa last fiction mo Engineer Francis

    ReplyDelete
  4. kikiligin sana ako uno pero may phobia ako sa dugo. muntik na akong sumabay sa pagkabuwal niya haha

    ReplyDelete
  5. huwwwatt?!! nagcolapse!!!! sa dugo ba yan o dahil kay Aki?! hahahah! galing!! sige next please...

    ReplyDelete
  6. medyo mahaba din ito..abangan ko ang karugton..........

    ReplyDelete
  7. guys thanks sa pagsubaybay... wag masyadong magexpect baka madisappoint kayo hindi ako magaling sa ganito try ko lng nmn magsulat hehehhe

    anyway tahnks po...

    ReplyDelete

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...