Thursday, March 3, 2011

Walang Hanggang Paalam 1

bago po ang lahat, thank you po sa bago kong follower at sa mga patuloy pong bumibisita at nagbibigay ng komento kahit walang kwenta yong post ko compare sa iba lol.

pangalawa po, nais ko pong batiin si BANJO AT KYLE sa napakagandang post. Tunay pong nakakapagbigay ng inspirasyon. basahin po ninyo ang kanilang post na TAG-ARAW at YOU DON'T KNOW WHAT'S ITS LIKE, nakakapukaw po ng damdamin ang kanilang post. Naalala ko pong ang aking childhood at lahat ng aking napagdaanan...THANKS MGA CHONG...


----------------------------------------------end-----------------------------------------------


Lourdes:        "Anung nangyari? nasaan ang anak ko? " hingal nitong sabi.

Mia:         "Tita nasa operating room po si Luke. " salubong nito na bakas ang pag-alala.

Lourdes:     "What?"  hysterical.

Mia:      "Vehicular accident tita nadisgrasya sila."    maluha-luhang sagot nito.

Lourdes:       "Sila? sino kasama nya?" biglang nagbago ang ekspresyon ng mukha nito.

Mia:                 "Si Aki po pareho silang nasa loob ngayon tita."

Lourdes:          ( binalingan ang ina ni ni Aki) "lagi na lang si Aki (madiin ang pagkakasabi nito) these past days balisa ang anak ko hindi ko sya makausap ng matino, i know may problema sila kahit hindi di nya sabihin, hindi ko alam kung ano meron ang anak mo. Nakiusap ako sa inyo noon,na sabihan ang anak mo na layuan ang anak ko, alam mo na bawal ang relasyon nila, mali... pero ano? "

Tanging hagulgol lamang ang naisatinig ng ina ni Aki.

Ramil:         "enough!( Luke's father) both of them are in danger, goodness! lahat tayo worried can't you see. san ba ang mga doctors hija?" tanong nito kay mia.

"I'm sorry ( baling nito sa ina ni Aki) ipagdasal na lang natin ito. that both of them will be ok."

Lalo lamang umiyak ang ina ni Aki sa itinurang ng ama ni Luke. Ramil Barrameda have been a supportive,understanding father to Luke, kabaligtaran ng isang tipikal na amang galit sa kung anu ang gusto ng isang anak na lalaki.

Lourdes:      "anu nga ba ang sinabi ng doctor? ng mga pulis? did anybody investigate? anung resulta?

Mia:       "wala pa po kaming nakakausap but they informed us that both of them needed blood tranfusion a while ago( napayakap sa ama ni Luke) we should't let them go. We had a party last night sa bahay, dun palang nag-aaway na sila. Luke was drunk already,they had arguments, pinipigilan ni Aki na wag na silang umuwi and they will spent the night sa bahay until mawala yung lasing nito.Pero lalong nagpumilit si Luke.

Dumating ang mga pulis, kinunpirma nila na . it was Luke's fault, lumampas sa kabilang linya ang sasakyan at dahil sa nakainom ito ay lalong nadiin si Luke. Sabi ng pulis bukod sa konting galos ng tsuper ng delivery truck na nakabunguan nito ay wala ng iba pang casualties ng accident. Luke's father dealt with the aggrieved party.

Makaraan ang ilang oras, lumabas ang manggagamot, nanahimik ang lahat at naghihintay ng sasabihin nito.

Doc:    " kayo po ang kamag-anak?"

Lourdes:     "yes ako ang mama ni Lucas Barrameda, kamusta po ang aking anak?

Doc:          "ma'am your son is ok now, mamaya po ililipat na sya sa recovery room. Naipit ang kanyang binti, have a broken leg and small fractures sa kamay other than that ok na sya. 

Ramil:       " what do you mean? hindi na makakalakad ang anak ko?

Doc:          "for few months in the rehab makakalakad pa sya, 100 percent. all our concern now is the other patient, sino po ang kamag-anak ni Aquilino Villaflor?

Annie:   ( ina ni aki) "Kamusta po sya? habang nakayakap sa nakakabatang kapatid ni Aki.

Doc:       "until now po under observation po sya. We want to make sure  that all of his vital signs are ok before we proceed to another operation. Don't worry ma'am he has gradual response. 

Thomas:  (nakababatang kapatid ni Aki) "Gawin nyo lahat ng makakaya nyo doc." wala man ideya sa sinasabi ng manggagamot ngunit naglakas loob itong isatinig ang nararamdaman.

Doc:  " yes we will!, i know your son is fighting ma'am ramdam ko. Ngunit kailangan nyo pong malaman na....




itutuloy.................

15 comments:

  1. waaaaaaaaaaaat kailangan kong malaman ang alin??? I need to know! Bakit! Hahahaha affected? lol much

    ReplyDelete
  2. woooooooooooooooooooooooohhhhh BITIN!!!! hyped na ko sa pagbabasa eh. tsk tsk. Uno dear continue!!!!!

    ReplyDelete
  3. malaman na???

    ang ksunod pls! hehehe

    morning!

    ReplyDelete
  4. bitin! I will be waiting for the continuation...

    ReplyDelete
  5. naku naku.. mukhang di ko ata gusto ung next chapter hehehe :D

    ReplyDelete
  6. Malaman na impotent na sha?! lol

    ReplyDelete
  7. baka patay na?yun po ba ang kasunod?or nasa coma siya?

    ReplyDelete
  8. shocks!!!! part 2 na agad.. bilis... ahaha

    ReplyDelete
  9. ano.. malaman na ano.. ha.. sige na doc...

    aabangan ang susunod...

    naku salamat sa special number este mention ha.. salamt ng marami parekoy... (namumula ko hehehe)

    ReplyDelete
  10. hala bakit bitin. wow na-excite ako.wahahahaha mas okay talaga ang serye sa blog kaysa sa tv.

    salamat uno sa pagbanggit ah. :D

    ReplyDelete
  11. malaman na ano?!!ano?!!! and WHAT!!? their gay?! sino bang Aki na yan? akihiro?!! hahaha

    bka buntis si Aki? di kaya?! lol

    ReplyDelete
  12. at talaga namang binitin pati yung huling sentence hehe.

    ReplyDelete
  13. anu ba yan kuya uno!!!! BITIN TALAGA!!!!! cant wait for the next post..;

    ReplyDelete
  14. hahaha guys natutuwa nmn po ako sa mga reaksyon nyo!

    si iyakin grabe...ang dami...

    si emman... tragic nm.

    si mr.chan... oi pede yan...

    guys... wait lang ah its under going revision ung mga chapter naks may ganun na noh... revision...

    ReplyDelete

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...