Tuesday, March 15, 2011

Walang Hanggang Paalam 2

ako ay humihingi ng dispensya sa hindi ko madalas na pagbisita sa inyong blog... sa ngayon 
ay medyo tuliro ako sa mga bagay bagay sa aking paligid...haay... may problema in short...pero kaya to... isama nyo na lang po ako sa inyong mga panalangin....saka ko na lang po ibabahagi...maganda o pangit man ang kakalabasan... mahaba-habang paglalakbay ito...

One year ago...

Hospital.


Hindi ako mapakali, katatapos ko lang ng check-up because of my allergy. My mom insisted na pumunta ako sa family clinician namin, sabi ko nmn makukuha un sa anti-histamine... as usual mom was hysterical... parang hindi ko na dati sakit to...


Hinahanap ko ang cashier para magbayad ng bills sa gamot at sa gagawin blood test... sabi ko nmn kasi kay doc bigyan n lng ako ng anti-histamine eh... sabi ni doc eh baka kulitin nmn daw sya ni mama about what he did to me... ayaw nya namn daw masira sa mama ko... ok sabi ko... pero i asked again kailangan ba tlga ng blood test...oo sabi nya...shocks...


"excuse me, san dito ang cashier at laboratory?" tanong ko...


"ah sir second floor po pareho..." nakangiti ngunit bakas ang kapaguran sa kanyang mukha lalo sa kanyang itim na itim na mata. inayos nya ang kanyang mga dala-dala at sa aking pagkabigla mga dugo mula sa mga pasyente ata.


"kung gusto nyo po sir sabay na kayo sa akin, i'll show where the cashier is..."


"thanks" maikling kong sagot...wala ata akong effect sa kanya ah... wala na ba ang charm ko? sa isip ko... i checked myself... maayos naman ang damit ko. nagsipilyo nmn ako... ok nmn ako...


"no problem sir" pero nakatungo at parang may hinahanap na papel...


Sumakay kami ng sabay sa elevator walang imikan, inobserbahan ko sya ng lihim... matangkad, payat,malinis, kung hindi ako nagkakamalaki kasing edad ko lang sya... seryoso at mukhang workaholic.


sa loob  ng eleveator...


"sir Aki.  please call laboratory now..." thrice naming narinig ang sabi sa intercom...


"sir dito na po tayo... ito po ang laboratory." patungkol sa aking harapan. 
"deretso lang po kayo then turn left nadyan po ung cashier." nakangiti pa rin kahit mukha ng pagod. Paglingon ko wala na sya, ang bilis naman maglakad nyon sa isip isip ko.


ako si Lucas Barrameda... isang bisexual, hindi naman sa pagbubuhat ng bangko pero both sexes nagkakagusto sa akin.


Kanina may nakilala ako pero hindi ko alam pangalan nya...
kakaiba... hindi man tumagal ng isang minuto para titigan ang cute kong mukha hehehe...(yabang)


Pambihira, he resisted my charm.


Ganda pa naman ng ngiti nya at ang mga mata ang itim itim... ang lalim... ang hindi ko maintindihan it draws me near to him... parang may energy na humihila sa akin to know him deeper...ewan...


Di bale next time pag kukunin ko na ung name nya...
kung magkikita pa kami... sana.


sa ngayon ang problema ko ang pagpapakuha ng dugo...




itutuloy....

13 comments:

  1. hi uno... oo nga, now lang uli kita nakita dito.. ehhee...

    ituloy mo lng to ah, ang ganda ng story eh. true story ba to? ehehe

    ReplyDelete
  2. okish..pray pray tayo.. at sana nga malagpasan mo kung ano mang problem mo. at ang ganda ng pagkakasulat mo :)

    ReplyDelete
  3. i love the story tlga...

    isa ako sa tgabasa nitp uno...


    morning!

    ReplyDelete
  4. ui..may crush na naman si kuya uno.hehe

    dont worry. everything is in Gods control

    ReplyDelete
  5. hmmmmm..interesting story, first time kong makabasa ng gantong story..hehe..

    abangan...

    ReplyDelete
  6. I hope magkita agad uli kayo ng makuha mo ang name niya..

    ReplyDelete
  7. helo parekoy.. musta.. sana ok ka na.. pray ako para sayo.. :)

    hmmm.. bitin ang story, aabangan ang kasunod ha.. :)

    magandang araw

    ReplyDelete
  8. bka may pinagdadaanan din sya, kaya yan!

    ReplyDelete
  9. hahaha. laugh, love. live. matagal na rin akong di nakakabalik dito

    ReplyDelete
  10. malalampasan mo din ang mga pagsubok na yan

    ReplyDelete
  11. salamat po sa lahat ng bumisita dito.

    sana po ay patuloy nyo akong isama sa minyong panalangin.

    ReplyDelete

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...