Wednesday, 19 January 2011

ENGINEER FRANCIS 5

para naman mabago na ang post ko... lol na-umay na si istambay sa post ko eh hehehe..
sa lahat po ng bago kong kaibigan (follower) maraming salamat sa pagtanggap ng imbistasyon...


tito:   oh kakain na daw sya ng masimulan na ang inuman

(nagtungo ako sa kusina, naririnig ko ang usapan)

mama:     si janjan ang kasama ko

tito:     bunso mo?

mama:    nasa galaan anu pa nga ba

tito:     pareho sila ni eric sabi ko umuwi ng hapunan eh

tita:    hayaan nyo na at lumalaki na ang mga yan

tito:    asan ba si janjan, tawagin na at makakain na nagugutom narin ako, kumpadre magsi-upo na kayo, nag pala pinsang buo ko( patungkol sa aking mama) si shir, inisa-isa ang pagpapakilala sa mga bisita.



Sa kusina...

manang:    bakit di ka pa lumabas doon, wag kang pa-importante

ako:     kanina pa kayo ah, tinataboy nyo ako

manang:   maari po kasing nasa hapagkainan na sila eh nandito ka pa narinig mo nmn ang tito mo hinahanap ka

ako:     mas marami akong makakain dito

jen:    (isa sa kasambahay nila tito) oi tawag ka ng mama mo... bakla ang guapo nung isang bisita.

ako:    che! ang landi mo te!

manang:     sus nagsalita ang hindi!

ako:   hmmmp! makalabas na nga!



Sa aking pagkabila... si tito nakaupo sa ulunan ng dining table, kanan nya sila tita at mama at sa kaliwa nmang ang tatlong kalalakihan... sa kabilang dulo tapat ni tito ay nakaupo ang kanina'y halos hindi makabangon sa kama at naghatid sa akin sa kalangitan ng makamundong pagnanasa... si engineer francis...na bato-balani sa isa't isa.

ako:    tito mano po...

tito:    sya kaawaan ka ng Dyos! maupo ka na at ikaw ng ang mag-pray, nga papal pamangkin ko si janjan...



Umupo ako sa pagitan nila mama at francis... nanlamig ang aking katawan dahil narin sa presensya nito at nagbabangaan ang aming mga binti...kabado man natapos ko ang panalangin... maraming silang napag-usapan...trabaho at buhay asawa...

tito:    kelan ba ang kasal francis... maya-mayang tanong nito...

francis:   this year po wala pa pong petsa.

tita:    san ba gaganapain kong saka-sakali?

francis:    sa cebu po.

alfred:   (isa sa bisita) tol imbitado ba kami jan?

francis:    basta may petsa oo naman.

mama:    sana ma-enjoy nyo ang stay nyo dito taga cebu pla kayo lahat...

tito:     maaring bang hindi, binigyan ko nga sila ng priviledged card sa hotel( kung san member ang tito)



Shit! si tito pala ang nagbigay ng card.

tita:    turuan mo pa ng kalokohan

tito:   sus nag hindi mainip.

mama:    mambabae na naman maryosep!

Hector:    (isa ulit sa bisita) ewan ko ba d2 kay kumpadre..



Napansin ni mama ang aking katahimikan

mama:   ok ka lang?

ako:   huh? opo..

mama:    nalunok mo ata ang dila mo ah

ako:    wala naman akong sasabihin ma

mama:    namumutla ka ata

ako:    ma, kain na lang tayo ( ang daming napapansin ng mama ko)

tita:    wala ka bang gana? ika mo kanina gutom na gutom ka.( hay napansin na ako anu ba yan)

tito:    aba'y kumain ka ng marami ang payat mo na oh ( isa pa to) 

francis:   masarap ang igado noh? sabay lingon sa akin, kanina pa kasi hinahaplos ng palihim nito ang aking tuhod sa ilalim ng mesa gamit ang kanyang kaliwang kamay..kaya nanahimik ako...natutukso ako...

mama:    paborito nya yan kaya yan ang niluto ko



Nagpaumanhin ako para pumunta sa restroom para kalmahin ang nag-iinit kong katawan, dahil sa magkahalong kaba, takot at excitement sa gawi ni francis...nang biglang kumatok si jen...

jen:    jan! bilisan mo kasi gagamit si pogi este si francis pala... hintayin mo na lang syang matapos...

ako: bkit sa isang cr na lang...

jen: sus nandito na yung tao eh... bye pogi...

francis:   salamat sige...





Pagbukas ng pinto.....

14 comments:

  1. kailangan talaga bitin?
    hay naku...
    hahahaha

    ReplyDelete
  2. talang binitin hhehehe.. at happy.. ooopppsss ibang post na pala hahah juk...

    aabangan ang kasunod... ccchhheerrrzzzz

    ReplyDelete
  3. binibitin mo kami.hmmpf wla pa yung rising action.haha

    ReplyDelete
  4. @yanah: hahaha nauna kasa pag comment ah
    inaabanagan mo din

    @axl: hahaha nabitin ka...

    @istambay: special mention ka men! hahaha

    @emman: hahaha ikaw naman kailangan wholesome minsan

    ReplyDelete
  5. wahahahahaha...

    i knew it!! ndun nga c engr. francis...
    ahahahaha

    ReplyDelete
  6. bitin ka naman eh..whaaaaaaaaaaa!

    padayon dong ba! hehe

    ReplyDelete
  7. @ceiboh: hahaha ang galing galing naman! hahaha simple lang namn kasi ito hahhaa

    @kaswak: hahaha magkakaroon din yan ng kasunod

    ReplyDelete
  8. hahaha parehas tayong bitin magsulat.. wahehehe

    ReplyDelete
  9. @kikomaxxx: ganun tlga ang style ng mga baguhan katulad ko hahaha...

    ReplyDelete
  10. @mr.chan: hahaha thanks for dropping by!

    ReplyDelete
  11. nko uno ayan naman binibitin mo naman kami ....

    sundan muna agad,,, oo nga pala add kita sa isa kung acct ha my ini iwasan lang ako dun ...

    hahahaha alam muna...

    ReplyDelete
  12. jeo: ganun ba ok lng po add lang ng add... ika wkasi anu ba nagyari hahaha

    ReplyDelete

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...