Thursday, 13 January 2011

...mula sa araw na ito...

salamat po sa lahat ng bumati...
hindi ko dapat ipo-post ito nahihiya kasi ako...ang babaw kasi hahaha



Mula sa araw na ito,
hindi man ako mangako
gagawin ko na lamang ang tama at nararapat
ang mabuhay ng mayapa, matiwasay at maligaya
sa piling ng mga taong minamahal at nagmamahal ng tapat.

Mula sa araw na ito,
tuwa at galak ang pawang mananahan sa aking puso
buhay ko ma'y malumbay
Pag-ibig ang syang aking gabay
pasasalamat sa Maykapal ang magmumutawi sa aking labi
sa buhay nyang ipinagkaloob...

Mula sa araw na ito, 
mahirap man ang magpatawad
hindi masama ang sumubok
aaminin ko'y gusto ko laging nasa tuktok
at minsa'y marupok
subalit  hindi ko hahayaan sa dilim ako ay malugmok

Mula sa araw na ito.
hindi ko pipilitin ang sarili magbago
bagkus aking pupunan mga pagkakamali't pagkukulang
sa aking pamilya...
sa aking mga kaibigan...
at sa lahat ng nakapaligid...

mula sa araw na ito...
tumanda man si uno
sya'y laging narito...

18 comments:

  1. Maligayang pagbati sayong kaarawan. Why not sharing some photos of you hhehee ... Let's meet here in UK glad to hear that. God bless!

    ReplyDelete
  2. uy! hindi sya mababaw! i like it. ;)

    ReplyDelete
  3. @ roy: hehehe pede ba magpa-ampon sa inyo hahaha
    kung sakaling matuloy ako

    @nimmy: thanks po hehehe talga? para kasing ang babaw eh

    ReplyDelete
  4. Birthday? Hapi bertdey!!!
    Nyak di naman kaya to kababawan, ok nga e. :)

    ReplyDelete
  5. @kyle: yup birthday ko nung 11...thanks po!

    ReplyDelete
  6. yun on.. pambihira.. pude na,,, ang ganda ng mga rythm.... happir bday :D

    ReplyDelete
  7. parang panatang makabayan ah lolzz di naman mababaw, tama lang :)

    ReplyDelete
  8. ayun naman.. walang iwanan parekoy.. at gudluck sa TABA.. panalo kayo lahat para skin... ccchheeerrzzz

    ReplyDelete
  9. @azl: thanks...

    @lordcm mukha nga panatang makabyan... lol

    @istambay: ngek oo nmn manalo matalo... ok lng...thanks ah

    @emmanuel: salamat sa lagi mong pagbisita d2

    ReplyDelete
  10. maganda yung sinulat mo at madali naman iachieve yan eh.

    and belated happy birthday ulit :)

    ReplyDelete
  11. ay kala ko panunumpa sa birthday ng pilipinas.. wahehehhe... happy birthday chong....

    ReplyDelete
  12. uno! hamberdey! hihihi ^^ burger!

    ReplyDelete
  13. Huy Kuya Uno.. ilang taon ka na?? hahahha.... hang saya naman ng mga gusto mong pagbabago para sa birthday mo.... x)

    ReplyDelete
  14. @hard2getxxx: hehehe sana nga hahaha madali lang

    @kikomaxx: bataman salamat!

    @superjaid: salamat sa pagbisita...

    @lhanlhan: salaamt burger ka jan...

    @kamila: hehehe masasagot yan sa next post ko... how old na ba ako...

    ReplyDelete
  15. happy happy ulit. uy bago ata template natin ? nice.

    ReplyDelete
  16. salamat sean... haay... lagi kang bumibisita at nagcocomenet pagpalain ka kaibigan...

    ReplyDelete

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...