Saturday, 30 October 2010

DALANGIN

Puso ay napagod
     di alam kung san patungo

Sa panahon, lungkot ang bumabalot
     daloy ng luha  ay ubod

Pag-ibig ang sagot
      ngunit tadhana'y naging maramot

Sa dagat ng kadiliman,
      ako'y bigyan ng liwanag
      ako'y tunghayan at damayang lubos

Pag-ibig, oh Pag-ibig! sana'y matagpuan,
      pusong sawi' t sumasamo

Dalangin ko'y iyong pakinggan
      pagal kong puso iyong gawaran
      paghihintay at lungkot iyong wakasan

Kaligayahang lubos sana'makamtan!

Pag-ibig, oh Pag-ibig! ako iyong lapitan
      
Sana naman iyong pagbigyan....




No comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...