humihingi po ako ng pasyensya sa lahat ng aking kapwa blogger kong hindi po ako masyadong nakakadalaw sa inyo...nitong nakaraang araw po ay sobrang tinamaan akong ng katamaran at hindi ko nga alam kong anong ilalagay ko dito sa blog ko...:)
habang nglalakad ako pauwi ng bahay... ito ang lumabas sa aking kukote...
kahapon... nabigla ako nang magpadala ka ng isang mensahe sa akin, pareho tayong online.
kinamusta mo ako, sagot ko "ok lng, buhay pa masaya :)" mabuti ang sabi mo. Ikaw naman ang aking kinamusta, gayundin ang iyong sagot ngunit may kasamang lungkot sayong sulat, nagpaumanhin at humihingi ng tawad...
Isa't kalahating taon na ang nakalilipas mula nung tayo nagkahiwalay, basta ang sabi mo ayaw mo na. Malabong mababaw ang rason, hindi ako pumayag... hindi ko tinanggap. Sabi ko maaayos natin ito, sabihin mo lang ang problema. Basta ang ayaw mo na, nagpumilit pa rin ako, nagmakaawa pero wala pa rin. Isang araw nagkita tayo, tinanong kita "sigurado ka ba na ayaw mo na ito na ang huli kong tanong sayo? huli na ito dahil tatlong beses na akong nagmakaawa sayo at hindi na makakaapat pa. Hindi ka nabahala, wala akong nakitang takot at walang epekto. Oo tinakot kita. Ang sakit pero kailangan kong tanggapin na wala na tayo. Tanda mo ba yung huling sabi ko " tandaan mo ito wala ng magmamahal sayo katulad ng pagmamahal ko sayo, sana hindi ka magsisi." kahit papano kailangan kong bawiin ang aking moral. Ang sabi mo hindi magyayari yun may galit pa ang iyong tono, hindi ba't kinutsa mo pa ako... na walang magkakagusto sa isang tulad ko....Hindi maganda ang ating paghihiwalay pareho tayong galit.
Isang buwan ang nakalipas, nabalitaan kong may bago ka na, ang bilis naman ngayon ako'y lubos na nasaktan. Sinubukan kong lumapit sayo ulit, ngunit patuloy mo akong tinaboy. Ang tanga ko daw sabi ng malalapit sa atin, harapin ko daw ang katotohanan kaya ko naman daw kahit pakonti-konti lamang. Lumipas pa ang mga araw mahirap man dahil nga iisa lang ang sirkulo ng ating kaibigan, kilala natin ang pamilya ng bawat isa. Hanggang kaya kong iwasan ka ginawa ko alam kong yun din ang gusto mo. Walang okasyon na isa sa atin ang wala. Agad-agad tayong umaalis pag nalalaman nating nandun ang isa. Alam nang lahat ang dahilan, hindi pa ako handang makita ang taong minahal ko ng lubos subalit naging sanhi na aking pagkasawi sa pag-ibig. Hindi pa ako handang magpatawad.Gustuhin man kitang kausapin, yakapin muli... palayain ang aking sarili sadya yatang ang sugat na akala ko hilom na ay nangangailangan pa ng sapat na panahon.
Nakatatlo o naka-apat ka mula ng tayo'y naghiwalay. Samantalang ako'y lihim na umaasa na ikaw magbabalik. Ngunit sa hindi sinsadyang pagkakataon, akala ko wala na akong pag-asa makakita ng papalit sayo dito sa aking puso, may kumatok at dumating, tumibok muli ito. Pinalaya nya ako sa kalungkutang bumalot ng matagal sa akinat hinilom nya ang sugat na iyong iniwan. Pinatawad na kita ngunit nanatiling dumistansya sa iyo, sa lahat ng umuugnay sa atin. Maniwala ka sa hindi, pinatawad na kita kahit hindi mo pa hinangad ito.
Ngayon habang tayo'y naguusap, maligaya na ako ng totoo at tunay dahil nakawala na ako sa panaginip na tayo magiging isa muli. Nakalaya na ako. Ang sabi mo ako ay iyong gusto makita muli at sana mabigyan kitang ng panahon para makabawi.
Gusto mong bumalik, inamin na nagkamali ka.Tinanong mo kong wala na ba akong nararamdam sayo, inamin ko na meron pa, ngunit hindi na ikaw ang nagmamay- ari ng aking puso. Akala mo kasi patuloy akong maghihintay... akala mo kasi hindi ako mapapagod... akala mo kasi walang ng magmamahal sa akin... akala mo kasi...
paalam na... una kong pag-ibig....

