Being single is a choice, it isn't permanent besides only you can make that choice. Right? ( tama ba ang english ko? construction ng sentence? lol ).
single ka dahil walang dumarating...walang mapili... naniniwala ka na may nakalaan para sayo... sa destiny o kaya sa fate... single ka kasi ganito, ganiyan ang daming rason db...
pero di ba lahat naman ng yan nagsisimula sa sarili natin... minsan nandyan na sa harapan natin ung hinahanap natin pero pinapalampas natin kasi ganito ganiyan... ang daming mong gusto... mabuti kaya magsimula ka muna sa isa... SA IYO... db...
walang dumarating... bakit ikaw ba handa na sa pagdating ng "the one" mo? baka nga dumaan na sya hindi mo nakita kasi nakatingin ka pa sa malayo...palinga-palinga naghahanap ka pa ng iba.
walang mapili... bkit ikaw lang ba ang marunong mamili... syempre hindi db... kaya kung ako sayo be prepared... kasi minsan ung lumalapit sayo ikaw pala ang napili nila kasi may nakita sila sayo na hindi mo nakikita sa sarili mo...be the right one ika nga...
naniniwala ka na may nakalaan para sayo... sa destiny at sa fate... hello! real world po ito... ok... ako din naman naniniwala sa destiny at sa fate... kaso we have to do our part db... paano kung si destiny at fate eh busy pala sa ibang aspeto ng buhay mo katulad ng career eh di bokya (zero) ka sa love life... hehehe.
kaya hala sige... make a move... make a choice... tignan natin kung hanggang saan ka dadalhin ng iyong matapang na puso... do some actions... baka ang prinsipe o prinsesa mo nandyan lang sa tabi tabi...
-----------------------------OooENDooO-----------------------------
just a thought ...
single ka ngayon ok lng yun... pansamantala lang yan...next year baka ikaw naman ang kainggitan nila...
broken hearted ka ngayon ok lng din yan... pansamantala lang din yan... bukas makalawa o sa susunod na buwan wala na yan... tignan mo titibok uli ang iyong marupok na puso...
walang kang ka-date? marami kaya... si mama, si ate at buong pamilya mo... someday hindi mo na magagawang i-date si mama o si lola... db... treasure your moments with them... WALANG NG SASARAP PA SA ISANG INA NA MABIGYAN MO NG SAPAT NA ATENSYON AT PAGMAMAHAL... DATE YOUR MOM...
DATE YOUR SAVIOUR... tanging Sya lamang ang nagmamahal ng walang kapalit, buong-buo at nag-uumapaw... GOD IS LOVE...
HAPPY HEART'S DAY EVERYONE...









