Friday, February 25, 2011

Tanda mo pa ba?

ako po ay nagbalik! salamat po sa mga taong patuloy na bumibisita.


Tanda mo pa ba nang araw na nanawagan si Cardinal? nagkita tayo di ba?. 


Takot ka man...ako ang iyong naging sandalan.


Sa gitna ng dami ng tao at ating pagkikita, naalala mo ba nakakita tao ng ilaw... ang babaeng nakadilaw? Simbolo ng ating Pag-asa... sabi mo pa nga ito ang simula ng pagbabago.


Kapit-bisig, hawak-kamay, nagka-isa at nagkabuklod tayo, pinalaya natin ang bawat isa! Kalayaan mula sa gapos ng pagdurusa at paghihirap dulot ng diktadurya.


Pareho nating nasaksihan ang bawat luha, bawat sigaw at bawat sakrispisyo na ating ginawa. Ang kagitingan natin ay hinangaan pa ng buong mundo hindi ba? 


Ang katapangan ng ating puso ay aking pa ring gunigunita.


Magkasama tayong nagdasal.
Sabay tayong nakibaka.
Hindi ba't nagyakapan pa tayo dahil sama-sama.
Tanda mo pa?


Nang lumaon, hindi ba't sabay natin nakamit ang demokrasya?


Marami na ang nagyari mula noon, nanahimik ang pareho nating buhay. Higit dalawang dekada na ang nakalilipas. Sa tahimik kong pagsubaybay, oo nga may nagbago ngunit hanggang ngayon  tila hirap ang iyong pakpak sa paglipad.


Ano nga ba ang problema?


Nagkita tayong muli hindi lang iisang beses ngunit nakatatlo pa. Binigay ko muli ang aking pagsuporta.  


Ngunit nais ko lamang itanong sa iyo ito dahil ako rin naman pagod na.


Ano ang nangyari sa pangako mong Demokrasya?


Bakit hanggang ngayon ikaw ay nanatili lugmok sa paghihirap at puno ng suliranin? malaya ka na hindi ba?


Ano nga ba ang iyong tunay na problema? ang iyong pinuno? hindi ba't ikaw ang nagluklok sa kanya? ang iyong kapwa? hindi ba't siya rin ay katulad mong walang makain sa hapag kainan? o ikaw mismo o tayo?


May pagkukulang ba ako sa iyo upang ikaw ay magpabalik-balik. 


Matagal ka ng gising!


Ganap na ang liwanag at pag-asa...


Pinagkaloob na sa atin ang kalayaan noon pa.


Bakit? ... bakit?


Wag ako ang iyong gawin sagot.


Dahil, ako lamang ay isang kalsada.


Ang pagbabago ay hawak mo at mamgmumula sa iyo.


nagmamahal,
EDSA.

13 comments:

  1. nasan na nga ba ang demokrasya? hindi ko din alam... happy edsa revolution.

    ReplyDelete
  2. palakpak-palakpak!!! uuy!!! nabuhay ka!!
    happy edsa!

    ReplyDelete
  3. weee happy edsa day...

    ReplyDelete
  4. demokrasya? naku, lumalabo nanaman ang kahulugan ng salitang ito sa ating bayan...

    sa kabilang dako, maligayang araw ng rebolusyion sa edsa.

    ReplyDelete
  5. sana makamit na nila,ng EDSA ang pagbabagong hinahanap nila..although madugo ang edsa nun, my naitulong aman

    ReplyDelete
  6. im happie to have that celebration pero parang wala pa rin pinagbago eh.. sayang lang ang pinaglaban ng karamihan :D
    btw happie 25th anniversary edsa :D

    ReplyDelete
  7. Demokrasya, sa aking pananaw eh tumutkoy sa kalayaan ng bawat isa.. kalayaan sa pagaapi ng pinuno.. kalayaan sa pagsasatinig ng inyong damdamin.. kalayaan sa pamamahayag.. kalayaan at puro kalayaan...

    hindi sinasabing kalayaan sa khirapan.. hindi yun ang demokrasya.. patuloy pa din nating nararamdaman.. yan ang demokrasya.. pero hindi naman yan ang diwa ng EDSA..

    ReplyDelete
  8. happy edsa rin ! :)

    sana nakamit nga ng mga Pilipino ang TUNAY NA KAHULUGAN NG FREEDOM.

    ReplyDelete
  9. may nakasabay ako dati sa bus. pinagtatalunan nila yung tungkol sa freedom ng bansa natin. sabi nung isa, "kasalanan nung babaeng nakadilaw yan e. Masyado tuloy naging maluwag ang bansa natin.Umabuso tuloy ang mga tao"

    hmm...MALI SYA E, noh? (wag na elaborate.hehe)

    :)

    happy edsa!

    ReplyDelete
  10. Happy EDSa. hindi pako pinako pinapanganak nung nangyari yan

    ReplyDelete
  11. sana lang ang diwa ng edsa isabuhay natin araw-araw
    freedom and democracy should never be taken for granted

    ReplyDelete
  12. sa lahat po ng pinoy na hanggang ngayon ay umaasa sa pag unlad ng ating bansa...

    GISING! mag banat na tayo ng buto....

    ReplyDelete

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...