Monday, November 1, 2010

"CORRIDOR"





Intern ako sa isang hospital ng gobyerno sa Quezon City, 2:30 ng madaling araw duty ako sa hematology section. May warding, may kailangan kuhanan ng dugo sa Right wing ng hospital malapit sa ICU. Madalng araw at takot mag-ward ang mga kasama kong babae, kaya ako ang napilitan pumunta sa pasyente. 
Ang laboratory ay nasa second floor, may corridor papunta sa right wing mula sa laboratory ngunit ito'y hindi dinaraanan pag ganitong gabi at madaling araw dahil sa madilim ito. Ang ilaw ay malamlam at ang pagitan ng bawat isa ay sadyang napakalayo at nakakbuo ng dilim. 
No one dares to pass by that corridor not unless tinatamad ka at gusto mo ng shortcut papunta sa right wing, o kaya magtatapang-tapangan ka o kaya kailangan dahil emergency. Nang oras na yun dala n rin ng katamaran at antok ay nagtapangan ako dumaan at gamitin ang corrodor na un, ayaw ko ng bumaba at umakyat panaog sa hagdan, i never use elevator for some reason ( saka ko n lng ikukuwento) at never kung gagamitin ang elevator ng hospital n un... 
So un nga, I was on my way, medyo kabado but I'm more willing to get the job done, inaantok na ko , I just finished a whole bunch of blood samples.Mabilis ang aking lakad, my eyes are stright looking, focusing my way to the end, mejo mahaba-haba ang corridor... When I'm almost at the middle, may nakita akong pasyente nakatayo at naktunghay sa bintana, typical patient with matching I.V. Ang weird bkit gabi pa sya gumagala, I convince myself maybe hindi pa inaantok kaya lumabas muna from ward. 
Dire-diretso pa rin ang aking lakad, kabado at may tamang hinala. May bali-balita kasi bago pa alng kami sa hospital na may nagpapakita at nagpaparamdam sa corridor na un... 
SHIT! pinagpawisan ako ng malapot, nanlamig, tumindig ang aking balahibo at napadasal ng "AMA NAMIN." Pumikit ako ng bahagya upang gisingin ang aking diwa. Sa aking pagmulat, lima o anim n hakbang mula sa kinaroroonan ko, nawala lahat ng aking antok. KITANG-KITA NG AKING DALAWA MATA NA NAKALUTANG ANG PASYENTE MULA SA SAHIG MGA 2-3 INCHES IM NOT SURE PERO NAKALUTANG TLGA ANG PAGITAN NG KANYANG PAA MULA SA FLOOR. 
Nangilabot, nanginig at maluha-luha sa aking nasaksihan, nais kong tumalikod at tumakbong pabalik ngunit sadyang nagtapang ang aking isip, naglalaban ang aking diwa at takot na nararamdaman. Hinawakan ko ng mahigpit ang warding box at nagpatuloy sa paglalakad, dire-diretso pilit na nilalabanan ang takot n bumabalot sa aking katwan. 
..SA PAGTATAPAT NAMING DALAWA...BIGLANG HUMARANG AT TINAPAT ANG KANYANG MUKHA SA AKING MUKHA AT NAGSABI... 
" HIJO, MADALING ARAW NA... SAN KA PUPUNTA? " 
ako'y natulos sa aking kinaroroonan, tuliro, mabilis ang pintig ng puso, nawalan ng ulirat, nahindik, bumalot ang lamig at takot sa aking kalamnan, hindi ko alam kong panu ang hitsura ko nun.. tuluyan ng dumaloy ang aking luha sa sobra antisipasyon na un. 
NANGINIG AKO NG SOBRA SA AKING  NATUNGHAYAN... MUKHANG PUNO NG TAHI, NANINILAW NA MATA AT NAKAKALBONG BUHOK DUGUAN. 
Pumikit ulit ako upang labanan ang masidhing  takot, sa muli kong pagmulat, naglaho na parang bula ang lahat. Luminga-linga ako ngunit walang makita ni anuman.Mabigat ang bawat hakbang ngunit matulin, narating ko ang right wing. Sa nurse station saksi lahat ang aking panginginig, ikinuwento ko lahat ay sila'y nangilabot. Magmula noon hindi n ako dumaan sa corridor na yun sa buong taon ng aking internship sa hospital n un.

No comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...