una po sa lahat, sa mga bloggers na patuloy na bumibisita sa akin kahit nawala ako na parang bula sa mundong ng blogsphere. kay iyakin, arvin at emmanuel... SALAMAT.
GOD IS GREAT.
"Every single thing happens for a reason"
Hindi ko alam kong dapat bang sabihin na ung pinagdaanan ko ay suliranin o sadyang pagsubok lamang. Nagkasunod-sunod at tila akong kandila na unti unti nauupos. Noong nakaraang buwan natapos na ang kontrata ko, gustuhin ko man manatili at magtrabaho pa ay hindi ko na tinanggap ang bagong kontrata dahil bukod sa talo na ako sa sahod ay hindi pa mganda ang palakad at sistema ng kompanya.
Maaring kong tanggapin ang bagong kontrata ngunit ninanais ng aking puso na umuwi ng Pilipinas. Ang kompanya ay binigyan pa ako ng isang pagkakataon upang pag isipan ang offer nila. Papauwiin nila ako kahit dalawang linggong bakasyon at bumalik ng Kuwait ngunit ang kapalit ay dalawang taon kontrata, hindi ako pumayag dahil ang gusto ko lamang ay isang taon at dagdagan ang sahod ko. Sa huli pumayag sila ngunit isang matinding pagsubok sa pamilya ang dumating.
Nang araw na dumating ang balita para sa bagong trabaho, iyon din ang araw na natanggap ko ang isang nakakapanlumong balita, ang mundo ko ay binalot ng pangamba, isang tawag mula sa Pilipinas ang nagpabago sa lahat. Ang dahilan kong bakit ako nasa ibang bansa. Ang nagsilbing inspirasyon ko at kahulugan ng buhay ko ay nasa binggit ng panganib.
My Mom had a cardiac arrest and was in the ICU,she had a blood clot in her brain the doctor said if the medicines won't worked to liquified the clot she might undergo operation to remove the clot. Hindi ko alam kong ano ang gagawin tuliro iyak ako ng iyak for almost two days, gusto ko ng umuwi agad pero it will take 3 to 4 days before maayos lahat ang papers ko para makauwi. ALL I CAN DO THEN IS TO PRAY TO GOD.
Thank God after 24 hours, my mom had a gradual response, tawag ako ng tawag sa sister ko about her situation kesehodang maubos ang pera ko sa load. WITH ALL THE PRAYERS AND HELP POURING DOWN, hindi natuloy ang operasyon ni mama, after second CT scan, the doctor said makukuha sa gamot ang clot. I was relieved then, GOD IS GREAT.
For almost 2 weeks, mom stayed in the ICU. everything became normal, concious coherrent na sya. she can move all her ligaments. Halos lahat ng ipon nmin ni ate naubos pero sabi ko nga mahahanap ang pera pero ang buhay ni mama ang importante.
Marami man ang naging kapalit, my carreer had to take a setback, naubos man ang ipon ko. I know GOD has a purpose. NO REGRETS, masaya naman ako ngayon, I have more time to spent with mama. WALA NG MAS MALIGAYA ANG ALAGAAN KO ANG MAMA KO. Mahirap man pero fulfilling...
Ngayon 3 weeks na akong nasa Pilipinas, naiinip man pero ok lang. Alam ko may panahon pa para makabawi sa lahat... sa ngayon ang priority ko ay alagaan si mama.
Marami pa akong ikukwento, sa susunod na lang ulit. medyo mapapadalang din ang pag post ko. SALAMAT SA LAHAT. PLEASE PRAY FORMAMA...
sana tuloy tuloy na ang paggaling ng mama mo, keep the faith malalampasan rin natin lahat ng problema bro!
ReplyDeletei pray that she will fully recover in Jesus name..amen..
ReplyDeletekung ako man ang nasa kalagayan mo..ipagpapalit ko lahat kasi baka pagsisihan pa natin sa huli pagnawala na sila...
i miss you totoo! balik kana ha! tas mas marami na tayong friends lalo na sa twitter! hehehe!
so sorry to hear that, bro. Indeed, God is good! Tama ka, everything has a reason--and that is to value the more important people in your life. hang on, and hope she will recuperate very soon!
ReplyDeleteeverytime i pray, i pray for the health and safety of all people sorround me. isa ka na don kahit sa blog lang tayo nagiging friend.
ReplyDeletekaya pala di ka nakakablog dahil sa mom mo. God has a reason uno, i think one of which is to spend time with ur mom, a quality time na kahit anong mangyari, treasure moment maitatawag don.
tama ka uno, kahit maubos lahat ng ipon nyo okay lang, mapapalitan un pero ang buhay ay hindi. aanhin mo ang pera kung kulang naman sa sigla ang buhay mo.
bumuti sana lalo ang kondisyon ng mama mo..
ReplyDeletehi kuya uno. matagal din akong di nakabalik dito. with regards to your post , i pray maging okay na siya
ReplyDelete