Wednesday, October 5, 2011

left behind...

5 moths ago everything change. I am thankful for those who stayed and keep the line opened espeacially my friends. I felt I was left alone, but then again... it was my fault.

marami akong gustong sabihin, ang dami kong baon na kwento araw araw, ang dami pagbabago sa buhay ko, ang daming pangyayari sa aking paligid na gusto kong bigyanng pansin....

hindi na ako aasa pa kung mayroon makakapansin sa akin ngayon sa haba ba naman ng aking pakawala sa blog world, ngunit umaasa pa rin ako na sanay ay may puwang pa ako sa mundo na ito. maraming salamat kung ako ay patuloy nyo pa ring patutuluyin.

sana sa aking pagbabalik ay nandito pa kayo... sana muli kong maibahagi aking mga sasaloobin...
sa ngayon ay ibubuhos ko ang aking oras sa pagaayos ng mga bagay bagay sa aking buhay, saking pamilya at sa aking karera... muli akong babalik pangako....

na-miss ko na ang pagsusulat...naks as if magaling akong magsulat.

Thursday, June 9, 2011

It's been a while...

Hindi ko alam kong papano ko sisimulan ang blog entry na ito. Nais ko man isaisahin ang mga bagay na nagyari sa akin nitong nakaraang mga linggo, alam kong ang espasyo na ito ay hindi sapat.

una po sa lahat, sa mga bloggers na patuloy na bumibisita sa akin kahit nawala ako na parang bula sa mundong ng blogsphere. kay iyakin, arvin at emmanuel... SALAMAT.

GOD IS GREAT.

"Every single thing happens for a reason"

Hindi ko alam kong dapat bang sabihin na ung pinagdaanan ko ay suliranin o sadyang pagsubok lamang. Nagkasunod-sunod at tila akong kandila na unti unti nauupos. Noong nakaraang buwan natapos na ang kontrata ko, gustuhin ko man manatili at magtrabaho pa ay hindi ko na tinanggap ang bagong kontrata dahil bukod sa talo na ako sa sahod ay hindi pa mganda ang palakad at sistema ng kompanya. 

Maaring kong tanggapin ang bagong kontrata ngunit ninanais ng aking puso na umuwi ng Pilipinas. Ang kompanya ay binigyan pa ako ng isang pagkakataon upang pag isipan ang offer nila. Papauwiin nila ako kahit dalawang linggong bakasyon at bumalik ng Kuwait ngunit ang kapalit ay dalawang taon kontrata, hindi ako pumayag dahil ang gusto ko lamang ay isang taon at dagdagan ang sahod ko. Sa huli pumayag sila ngunit isang matinding pagsubok sa pamilya ang dumating.

Nang araw na dumating ang balita para sa bagong trabaho, iyon din ang araw na natanggap ko ang isang nakakapanlumong balita, ang mundo ko ay binalot ng pangamba, isang tawag mula sa Pilipinas ang nagpabago sa lahat. Ang dahilan kong bakit ako nasa ibang bansa. Ang nagsilbing inspirasyon ko at kahulugan ng buhay ko ay nasa binggit ng panganib.

My Mom had a cardiac arrest and was in the ICU,she had a blood clot in her brain the doctor said if the medicines won't worked to liquified the clot she might undergo operation to remove the clot. Hindi ko alam kong ano ang gagawin tuliro iyak ako ng iyak for almost two days, gusto ko ng umuwi agad pero it will take 3 to 4 days before maayos lahat ang papers ko para makauwi. ALL  I CAN DO THEN IS TO PRAY TO GOD. 

Thank God after 24 hours, my mom had a gradual response, tawag ako ng tawag sa sister ko about her situation kesehodang maubos ang pera ko sa load. WITH ALL THE PRAYERS AND HELP POURING DOWN, hindi natuloy ang operasyon ni mama, after second CT scan, the  doctor said makukuha sa gamot ang clot. I was relieved then, GOD IS GREAT.

For almost 2 weeks, mom stayed in the ICU. everything became normal, concious coherrent na sya. she can move all her ligaments. Halos lahat ng ipon nmin ni ate naubos pero sabi ko nga mahahanap ang pera pero ang buhay ni mama ang importante.

Marami man ang naging kapalit, my carreer had to take a setback, naubos man ang ipon ko. I know GOD has a purpose. NO REGRETS, masaya naman ako ngayon, I have more time to spent with mama. WALA NG MAS MALIGAYA ANG ALAGAAN KO ANG MAMA KO. Mahirap man pero fulfilling...

Ngayon 3 weeks na akong nasa Pilipinas, naiinip man pero ok lang. Alam ko may panahon pa para makabawi sa lahat... sa ngayon ang priority ko ay alagaan si mama. 

Marami pa akong ikukwento, sa susunod na lang ulit. medyo mapapadalang din ang pag post ko. SALAMAT SA LAHAT. PLEASE PRAY FORMAMA...


Saturday, April 23, 2011

Semana Santa... Sino ka?

alam ko pong huli na ang post na ito, ilang araw ko din kasing pinag-iisipan kung ano ang ipo-post ko. Maari pong post na ito ay salat sa impormasyon nawa po ay pagpasyensahan nyo na. Tuliro pa rin ako hanggang ngayon. Sana may sagot na sa aking problema.



-----------------end----------------


Semana Santa, isang tradisyon kinalakihan ko na bilang isang Kristiyano, sumasabuhay sa huling araw ni Hesus. May iba't ibang paraan kung paano natin ito gunigunita. May palabas na katulad ng senakulo, penitensya, pasyon, Visita Iglesia, pag-aayuno at marami pang iba.

Hindi ako tuwid, hindi ako tradisyonalista lalong-lalo nang hindi relihiyoso, pinaniniwalaan ko ang tama, pinaninindigan ang aking pananampalataya, alam kong may DYOS na BUHAY. Hindi man ako sumusunod sa nakagawian na ng nakararami, inirerespeto ko naman ito dahil bahagi na ito nang ating kultura.

Ang huling nalalabing araw ni Hesus sa mundo ay puno ng paghihirap, pagdurusa, mga pangaral, habilin at mabuting balita, ang kamatayan Nya ay pagtubos Nya sa atin mula sa kasalanan. Maraming naging bahagi ng kwentong ito, iba't ibang karakter.

Ang mga Paraseo, ang mga banal na itinituring ngunit mga hipokrito at bulag, salat sa tunay na pananampalataya.

Ang mga Hudyo, nagbubulag-bulagan, nagbingi-bingihan sa Tunay na Dyos.

Ang mga Romano, dahil sa kapangyarihan, natakot silang harapin ang katotohanang nais ipahatid ni Kristo.

Si Poncio Pilato, matalinong tao, may sapat na kapangyarihan, may konsyensya at alam nyang walang kasalanan si Hesus ngunit nagpatalo sya sa takot hatid ng mga Paraseo at Hudyo.

Ang mga Apostol, ang tagasunod ni Hesus. Sa kaalamang iiwan na sila ng kanila Guro, ang kanilang pananampatalaya'y nasubok.

Si Pedro, tatlong beses nyang itinanggi si Hesus.

Si Maria Magdalena, ang babaeng makasalanan ngunit tinanggap ni Hesus at naging masugid Nyang tagasunod.

Si Maria, ang Ina ni Hesus, ang makita nyang unti-unting pinapatay ng mga Romano ang kanyang anak ay dumudurog sa kanyang puso. Isang huwarang babae, buo at malinis.

Ang Dalawang magnanakaw sa tabi ni Hesus, ang isa kahit sa huli ng kanyang hininga ay hindi nya nakilala ang Dyos at patuloy na hindi naniniwala at ang isa alam nya at inaamin sa sarili sya ay makasalanan na dapat bayaran, sa huli sya ay nagsisi at naniwalang may Dyos.

At si Hudas, nasilaw sa yaman ng mundo, natakot sa kanyang kinabukasan, isinanla nya ag kanyang kaluluwa, tinakwil ang kanyang pananampalataya at pagtaksilan ang anak ng Dyos.

Sa makabagong henerasyon, si poncio pilato, si maria magdalena, ang mga hudyo, mga paraseo, mga romano, mga apostol, si pedro, si hudas o kaya ang dalawang magnanakaw ay maaring ikaw.

Alin ka sa kanila?

Ngunit ang mahalaga, ano man ang iyong naging bahagi  sa buhay ni Hesus, ikaw man ang kanyang koronang tinik, ang pakong bumaon sa kanyang kamay, ang hagupit ng mga palo na halos ikamatay at ikapatid ng Kanyang hininga o ang kanyang mabigat na krus ay patuloy ka Nyang minamahal at tinatanggap. Tinubos ka nya sa kasalanan.

Ngayon Semana Santa higit man sa lahat ng tradisyong ginagawa, ang iyong pagbabalik loob sa DIYOS, mabuhay ng nararapat ayon sa Kanya  ay sapat na para masabi mong ikaw ay tunay na Kristiyano.

Saturday, April 16, 2011

Walang Hanggang Paalam 4

Nakasimangot na at hindi na maipinta ang mukha ni Lucas habng naglalakad kasi ba naman kung hindi sya nagpumilit hindi sana sya maglalakad ng ganun  kalayo. Niyaya nya si Aki na kumain sa labas, kanina kasi pagkatapos nitong mahimatay , naalala nyang sabi nito na kung may kailangan pa sya sabihin nya lamang. Kaya nagpasya syang hintayin ito at tapusin ang duty. Hindi nya maintindihan bakit ganuun ang reaksyon ng kanyang puso sa pagkakaslao nito sa kanya, lumundag at kinilig.

Lucas:   "Aki!" tawag nito.

Aki:       (hinanap ang tumatawag) "Sir? may problema ba? ok ka na po?"

Lucas:     ngumiti. "ok na ako, di ba  sabi mo kanina kung may kailangan ako sabihin ko lang?    deretsong sabi nito.

Aki:    "huh? anu ibig mong sabihin? lumingon sa likuran at nakita nyang paparating ang ilan sa mga katrabaho nya, lumapit ang mga ito.

Glenda:     "excuse me sir" lihim na pinadilatan si Aki, nagtatanong "nakalimutan ko nga pala ibigay yung sukli mo sa food kanina."

Tess:         "Sir sabay ba kayo?" taklesang tanong nito.

Lyn:          "Ikaw b ayung nahimatay kanina? tanong kay lucas.

Lucas:        (napakamot sa pisngi) "Ako nga." hiyang sabi nito.

Lyn:           "ano kailanganmo kay Aki? sabay tingin dito nanunukso.

Lucas:        "wala naman gusto ko lang magpasalamat at...

Lyn:           "AT?"...

Lucas:         (nakangiti ngunit bakas ang inis dahl hindi man lang umiimik si Aki at tila natatawa sa usapan.)  "Yayain ko sana kayo kumain."

Tess:        "kami? mukhang si sir Aki lang ag yayain mo eh."

Aki:          (hindi na napigilan tumawa) "ano ba kayo, tinatanong ni Sir kong pede ba daw tayo sumama sa kanya at kumain sa labas, ang totoo nyan nahihiya lang sya."

Glenda:     "ako pede!"

Tess:         " basta libre game ako."

Lyn:          " pass muna ako may date kmi ni papa."

Lucas:        " ikaw?"  walang ngiting tanong nito kay Aki.

Aki:            "sana tayo?"  todo naman ang ngiti. "don't worry makikihati ako sayo" bulong nito.


Napagkasunduan na lamang nila sa malapit na SM. Masayang kasama ag tatlo, medyo serious, reserved at grounded si Aki ngunit nakakasabay naman sa tuksuhan, tawanan at biruan naming tatlo. Nais pa ng mga girls na gumala pagkatapos kumain ngunit si Aki ay nais ng umuwi.

Aki:        " kailangan kong magpahinga meorn pa akong lakad mamaya."

Glenda:    "sir hinay-hinay lang ah, bumigay ang katwan mo nyan, yayaman ka nan"

Tess:        "bilib talaga sayo, ang sipag nyo."

Aki:          "sya sige na ingat kayo ah, so paano?"

Glenda:      "ikaw Luke? uuwi ka na rin ba?"

Lucas:         " oo eh kailangan ko din magpahinga medyo napagod ako sa kwentuhan natin" ngumiti.

Tess:             "ganun ok, sige ingat na lang kami hehehe sayang naman."

Aki:            "kapapacheck-up lang nung tao, hayaan nyo na."

Lucas:          "sabay na ako sayo."

Nagkahiwalay na ang apat, habang palabas ng mall ang dalawa hindi alam ni Lucas ang gagawin basta alam nya gusto nya sumama kay Aki.

Lucas:          "san bahay mo?"

Aki:              "malapit lang dito."

Lucas:            "hatid na kita."

Aki:               ngumiti. " gabi na baka hanapin ka sa inyo, pasyensya ka na sa mga yun ah at kanina napasubo ka."

Lucas:           "wala yun nag-enjoy naman ako eh. san tayo sasakay?"

Aki:              "naglalakad lang ako pauwi, malapit lang kasi."

Lucas:           "what? gabi na and hindi ba delikado dito?"

Aki:               " sa akin hindi, baka sayo delikado." natawa

Lucas:            "anong ibig mong sabihin? habang hinahabol si Aki sa paglalakad.

Aki:                " kilala na ako dito at hidni ako mukhang mayaman noh, natatakot ka ba?

Lucas:             "hindi naman kaso, hindi lang ako familiar sa place, malayo pa ba?" walang ngiti.

Aki:                " dalawang kanto na lang. Inis ka na ba? hindi na maipinta mukha mo oh."

Lucas:             " sabi mo kasi malapit lang eh, tapos mag-isa na lang ako uuwi mamaya? oh san ka pupunta? nang bigla naglakad pabalik si Aki.

Aki:              " ihahatid kita sa sakayan, pede ka sumakay ng jeep pabalik sa mall o kaya taxi form here." ngumiti.

Lucas:            "biro lang nmn tara na uwi na tayo sa inyo." habol nito.

Aki:                (tumigil at tinitigan si lucas walang kangingiti) " LUKE mas maganda umuwi ka na, ayaw kong mag-alala at mag-isip kung anung mangyayari sayo pag-uwi mo."

Lucas:            (natulala sa pag-amin at pagbanggit  ni Aki ng kanyang palayaw) " ano number mo?" un na lamang ang nasabi nito.

Aki:              "bakit naman?"

Lucas:            "uuwi na ako, bilis may taxi na eh sasakay na ako, I give a call kung nasa bahay na ako. Ok? bye!"

Aki:            "Bye, ingat na lang..." natatawa sa bilis nitong pagbabago ng mood.

Lucas:          " I will, basta mamaya sagutin mo ang tawag ko ah." ngumiti.


Nakangiti at napapailing na almang si Aki habang papalayo ang sasakyan, tinahak ang daan pabalik sa pinangaling nila kanina... what a day for him... nangingiti at nag-alala...


itutuloy...

Thursday, April 7, 2011

"Yearbook"

matagal-tagal na rin po mula noon at pawang alala na lamang ang lahat, mula noong nagtapos ako.
Nais ko pong pabatiin ang lahat ng magsisipagtapos ngayon taon. 
CONGRATULATIONS BATCH 2011!
at sa mga magulang ng nagsipagtapos tunay po kayo ang panalo dito!



---------------------end--------------------


HAYSKUL KO TO!
Librong punung-puno nang alala, bawat pahina may istorya, bawat titik at salita may isinatitinig, bawat salaysay may mensahe at bawat larawan may kwento.

Ang sarap balikan ang kahapon, masasayang kwentuhan at harutan, tuksuhan walang humpay, malalakas na tawanan at asaran, iyakang walang saysay at walang katuturang awayan at bangayan.

Iba't ibang ugali, may sari-sariling grupo, nandyan ang grupo ng matutuwid, mababait, tahimik , masunurin, sa madaling sabi mga paborito "teacher's pet, ngunit hindi maitatago na ang iba sipsip at nasa loob ang kulo.Nandyan naman ang grupo ng magugulo, maiingay, pasaway "teacher's enemy subalit alam mong may talinong angkin. Pero sa kalokohan at sa ikakabuti ng klase nagkakaiisa ang grupo. 

Sa paglipas ng panahon, sa kabila man ng lahat, iba-iba man ang direksyong ating binabay, may kanya-kanya mang diskarte, magkakasalungat man ang pananaw at may sari-sariling buhay, ang iba nagkapamilya na, ang iba nangibang-bansa, naging matagumpay samantalang ang iba naman ay bigo subalit patuloy pa rin nakikipagsapalaran. Ngunit hindi natin maipagkakaila, naging parte at may ibinahagi sa pagkatao ng bawat isa, dahil minsan nagsalo tayo sa ligaya, lungkot, tagumpay, kabiguan, pagpupunyagi ng ating kabataan. Ikaw, ako bumuo tayo ng pagsasamahang hindi na mababago ng paglipas at bilis ng panahon, nanatili tayong magkakaibigan.

Salamat sa kwento, natuto akong makinig.
Salamat sa awayan,tampuhan at tuksuhan, nalaman kong hindi ako perpekto.
Salamat sa bawat luha, naranasan kong masaktan.
Salamat sa bawat ngiti, tawa, asaran at harutan, nalaman kong masarap mabuhay.
Salamat sa bawat oras ng pakikiramay, nalaman kong hindi ako nag-iisa.
Salamat sa lahat ng payo, natutong akong umunawa.
Salamat sa bawat yakap at tapik, nalaman kong lahat tayo may kahinaan.
Salamat sa karunungan, malaman ang mali at tama, natutong akong magmahal.

Hindi man tayo madalas magkita, sapat na itong Yearbook na nagbibigay alala at kaalaman na ako ay nagkaroon ng mga tunay na kaibigan... sa muli nating pagkikita mga chong!

Monday, April 4, 2011

"Pinakamahabang Tag-araw"

marami pong salamat sa mga bumibisita dito at patuloy pong nagbibigay ng komento, nagpapansin lang ulit matagal-tagal na rin hindi ako gumawa ng tula... tula nga ba itong masasabi hahaha
kasi naman yung ibang blogs ang gagaling sa paggawa ng tula nakakahiya sa kanila.


Nais kong magtampisaw sa rumaragasang ilog,
magpaka-anod sa agos nito.
Gumawa ng bangkang papel,
makipagkarerahan kasama ka.

Nais kong magpalipad ng saranggola,
makipagpaligsahan sa hangin.
Tumakbo sa parang, makipaghabulan kasama ka.

Gusto kong sumakay sa bangka't mangisda,
makipaglaro sa alon,
gumawa ng kastilo ng buhangin
saksihan ang paglubog ng araw kasama ka.

Gusto kong magbyahe
tumungo paroon
wala man direksyon
gusto ko mawala at magpalaboy-laboy
 kasama ka...

Nais kong makipag-unahan sayo gamit ang bisikleta
umikot-ikot sa parke
kumain ng hopia at uminom ng palamig
makipag-pantintero,tumbang preso
nais kong maging bata muli kasama ka.

Ngunit lumipas na ang ilang tag-araw,
ito pa rin ako nangagarap kasama ka...
asan ka na nga ba?


Thursday, March 31, 2011

Pakikiramay

"Injustice anywhere is a treat to justice everywhere"
                                    
                                                          -Martin Luther King Jr.



Kaninang umaga po ay naganap na ang kinatatakutan ng maraming Pilipino sa buong mundo, ang PAGBITAY ng tatlong Pilipinong naakusahan ng Drug Smuggling. Nakakalungkot man po ang pangyayaring ito, marami man ang nakikisimpatya sa pamilyang naiwan, marami man ang nagbibigay ng reaksyon at kuro-kuro, gumawa man ng habang ang ating gobyerno, natuloy pa rin at wala tayo magagawa.

Tunay nga pong nakakabilib ang batas ng bansa Tsina ngunit sa a kin pananaw ito po ay hindi makatarungan gayunman po ito ang kanilang batas. Ang kanilang batas ay saklaw ang lahat, walang mamakaligtas. At bilang isang banyaga sa kanilang lupain tayo ay saklaw din nito.

Ang pangayayaring ito, sa gobyerno man ng Tsina ay hustiyang maituturing, HINDI ITO TUNAY NA HUSTIYA! HINDI MAKATAO KAILANMAN ANG PAGBITAY HINDI MAKATAO! 

TANGING ANG PANGINOON LAMANG ANG MAY HAWAK NG TUNAY NA HUSTIYA!

Nagdurugo po ang aking puso.......


-------------------------END-------------------------

gayunman bilang pakikiisa sa mga naulila at mga taong patuloy naaapektuhan, at sa mag taong patuloy nakikipagsapalaran sa ibang bansa.... LAHAT PO SANA TAYO AY MAG-ALAY NG PANALANGIN.

PANALANGIN SA KANILANG KALULUWA NA SANA GANAP NILANG MATAMO ANG KAPAYAPAAN SA PILING NG BUHAY NA DYOS.

PANALANGIN SA MGA NAULILA, NA SANA SA SAPAT NA PANAHON ANG KANILANG SUGAT DULOT NG MASAMANG KARANASAN AY MAGHILOM AT ANG PAGPAPATAWAD AY GANAP NILANG MAKAMTAN.

PANALANGIN SA MGA OFW... NA SANA SA  BAWAT ORAS AY NASA MABUTING SILANG KALAGAYAN.



tayo po ay magsindi ng kandila bilang pakikiramay at pakikiisa sa dalamhati ng bawat Pilipino.


guys.... take time to pray for all of us....


Tuesday, March 29, 2011

Walang Hanggang Paalam 3

Laboratory.


Pagkakuha ko ng number, umupo at naghintay ng tawag. 73 na... pang-80 ako matagal-tagal pa ang sabi ko. Tahimik kong tinatanya ang dalawang taga-kuha ng dugo. Mukhang bago at para nagtri-training palang. Patay lalo akong sinuklob ng takot at kaba.

Sa may reception area. 

Aki:              "Glenda wala na bang kukuhanan?"

Glenda ( ang  lab. receptionist):     "wala na  Sir."


Aki:                "Sure na ba yan  ah?"


Glenda:           "Opo"


Aki:             "ang toxic mo nmn kasi ganda!" pagbubuska nito.


Glenda:         "Ikaw kaya Sir in-demand ka eh." Sabay sila natawa.


Aki:             "sa susunod ayaw kitang kapartner! joke!" ngumiti ito.


Glenda:       "Sir naman." 


Aki:        "sya sige papasok na ako dami pang gagawin kung may kukuhanan sabihan mo lang si Tess ok?" break muna sandali.


Sinadyang makinig ni Lucas at sa kanyang nalaman may naisip ito. 

Lucas:     "Ayos!" biglang nawala ang takot.


79...
80...


Lumapit sa receptionist.


Lucas: "Miss pede bang ung kukuha sa akin yung matangkad na kausap mo kanina?"


Glenda:    "si Sir Aki po? wait lang Sir ah tawagin ko po"


Lucas:        "thanks!"  ngumiti ako ng pagkatamis-tamis.


pagkaraan ng ilang minuto.


Aki:       "Glends sino yung patient?"


Lucas:        "Ako!" sabay ngiti.


Aki:          "Sir kayo pala. wait lang po ah. sige po punta na lang po kayo sa extraction area." tila nabigla.


Glenda:      "sir kilala nyo? ang cute ah."bulong nito.


Aki:        "loko! hindi ko kilala napagtanungan lang ako kanina."


Glenda:    "oi si Sir."


Aki:      "shhh wag ganun!"


samantala sa extraction area.


Lucas:    "si Aki na ang kukuha sa akin hihintayin ko lang sya."


tess:        "kilala nyo po ba si sir? sige po dito n lng kayo sa isang upuan."


Lucas:      "hindi. salamat." maikling tugon nito.


tess:         "sir kayo daw ang gusto ni mr. pogi."


Aki:         "Pasyensya na po minsan lang kasi makakita ng tao yan si tess, patingin nga po ng request nyo?" patay-malisya.


tess:         "sorry po. Sir naman honest lang."


Lucas:       "ok lang yun im use to it." natatawa sa daloy ng usapan... light at nakakaalis ng takot.


Aki:           "Sir medyo marami ang kukunin ko ah. your name sir?" tanong nito.


Lucas:          "Lucas Barrameda." kinabahan marami ang kukunin sa kanya biglang nanlamig.


aki:               "ok sir patingin po ako ng braso. close your hand sir?" hinawakan ang kamay.


Lucas:            "wait lang ah natatakot kasi ako? masakit ba?".ang totoo nabigla sa pagkahawak ni Aki.


Aki:             "yes." walang kagatol gatol nasabi nito.


Lucas:           "what?!"


Aki:               "don't worry Sir mabilis lang to promise." habang hinahanap ang ugat.


tess:                "oo nga sir mabilis lang si sir Aki pa." sumbat nito


Lucas:            "sure? promise?"


Aki:              "I promise. ang laki ng ugat mo rito oh." ngumiti at nagsuot ng gloves at face mask.


Lucas:        "wait lang kabado ako talaga takot ako sa dugo at turok." namumutla.,


Aki:           tinanggal ang mask, ngumiti. " Sir promise mabilis lang to trust me. In less than a minute matatapos tayo" kinuha nito ang braso. "ok? magbibilang ako ng 123 sa pangatlo hinga ng malalim ok?


Dahil sa pagkakangiti ni Aki, hindi na namalayan ni Lucas na kunukuhanan na sya ng dugo at sumunod nalamang sa instruction nito. May tinatanong ito sa kanya pero hindi nya ito masagot dahil ang kanyang pag-iisip ay napukaw ng sandaling tumitig si Aki para sabihin tapos na...


Aki:      "Sir? tapos na po. Ok ka lang Sir? Sir?" ulit nito.


Lucas:    "huh? tapos na? yeah yeah I'm ok."  biglang tumayo.


Aki:       "ung resulta po....Sir!" hindi na naituloy ang sasabihin nito dahil biglang nabuwal ang pasyente at napayakap ito sa kanya.




Itutuloy....

Sunday, March 27, 2011

"No String Attached", "Love and Other Drugs"

Recently, I have watched those I have downloaded. Two of them are " NO STRING ATTACHED" by Natalie Portman and Ashton Kutcher and " LOVE AND OTHER DRUGS" by Jake Gyllenhaal and Anne Hathaway.

Both movies bores me to death pero tinapos ko nmn hehehe. Both same plot, relationship without commitment just plain sex and the end of the story both leads realize what they have and lose everything. Very predictable.

Natalie Portman is really gorgeous, seeing her naked wow! and Ashton Kutcher well he really knuckles you out. After watching Natalie in her critically-acclaimed performance in BLACK SWAN surely this one is refreshing and light. Story? predictable... acting wise? well off...






and other hand, Love and other Drugs...

well of coarse, I find Jake Gyllenhaal gorgeous in this movie hahaha kinilig ako to the bones na makita syang nakahubad hahaha...and Anne Hathaway is superb, hindi na bago ang pagpapakitanya ng masesalng bahagi remember Brokeback Mountain db... Yup silang dalawa din ay bahagi ng movie na yun after few years nagsama sila at makikita mo tlgang meron silang chemistry.











just watched na lang guys, hindi ako magaling sa movie review hehehe. Nakakatuwa lang isipin na pati ang hollywood eh nawawalan na rin ng ideas kasi itong dalawang movie na to kung papanuorin mo ng sabay pareho lang ang kwento iba lang ang plot. Tapos halos magkasabay pa yata itong ni-release. Yun ang pagkakaalam ko. well, well!

Basta manuod na lang kayo. Sa mga romantic-comedy fans surely magugustuhan nyo to. Sa mga fan ni ashton, natalie, jake at anne panuorin nyo to kasi mageenjoy din kayo. Pero sa mga critiko na metikuloso sa movie well panuorin nyo n lng po kanya kanya lng talga tayo ng taste lol. :)

Basta ako slightly bored ako dito eh, crush ko lang talaga si Natalie at Jake lol.

Monday, March 21, 2011

"Huling Byahe"

dapat po ay hindi ko muna ito ipo-post nais ko pa pong tapusin ang kwento ng "Walang Hanggang Paalam."  Isa po ito sa aking pinagkaabalahan nitong nakaraang araw. 

Kung pamilyar po kayo kay Mr. Marcelo Santos III sa youtube maari nyo pong sabihin na ito ay gaya lamang sa mga ginawa nya. Aaminin ko po na naiingit ako sa paraan ng pagkukwento nya kaya po gumawa ako ng katulad nito.....

At bago ko po ito ibahagi sa aking you tube account ko ay nais ko po munang ibahagi ito dito sa aking sariling blog. Nauna ko na pong pinost ito sa aking Facebook. Sana po ay ma-appreciate nyo po.

Panuorin nyo po....


---------------------------end---------------------------


Ito po ay isang kwento ng pagmamahalang pinagtagpo ng pagkakataon. Inspired by true to life story. 

kay bong ( ara tot! )... lahat ay masaya sa bagong kabanata ng iyong buhay, dahil si prinsipe na iyong pinakahihintay ay dumating na. Masaya ako para sayo. Ang bilin ko ah...

kay migs (mj) ...pagpasyensyahan mo na yan si bong ganyan talga yan. lol. seriously,  salamat sa pag-aalaga at pagmamahal sa aking kaibigan.

masaya ako para sa inyong dalawa! kasama kayo sa aking mga dalangin. Nawa ang Panginoon ay gabayan ang inyong matamis na pagsasama.

hehehe corny... sana magustuhan nyo to pareho.





"Burlesque"

It nice to be back on track! medyo nadiskaril lang ang aking mga turnilyo sa utak. This past days I've been thinking of what will happen for the next days to come. Pero napag-isip-isip ko hay mabuburo lang ako at malulungkot, ganun talaga kasi ang ugali ko eh kahit wala pang nangyayari pinapangunahan ko na hehehe pinagiisipan what will be my next move. Anyway kahit hinndi pa ok ang lahat at pawang puro paghihintay lamang ang nangyayari siguro its better not to think thoset stressful things. After I have talked to my mom and she said its ok, then it is ok then. I love my mom. she always make me secured in everything.

Thanks nga pala sa patuloy na bumibisita at nagbabasa ng mga post ko. At sa bago kong follower!



---------------------------end-----------------------------

so start with... nitong nakaraang araw po kundi po ako nanunuod ng news sa iba't ibang cablenews cast eh nanuuod po ako ng bago kong downloaded movie. And one of them was "BURLESQUE" movie.

Critics says, there's nothing new about the movie kasi nga ung tema eh nagawa na before. But what Uno says....

simple lang... Its worth to watch! very entertaining and the movie itself is a cream of its crop. Kumbaga sa kanilang lahat na pare-pareho ang tema cabarette-like movie well indeed stand out ang movie na ito. Specially the performances among the powerful cast. Cher is a certified screen darling, no question about that. Christina Aguilera is a revelation in this movie, she delivered her characters in a fair enough, the camera loves her, she is beautiful on screen. About her singing perforamances in this movie no doubt that she is a diva. Right project, right timing thus make Christina Aguilera movie debut succesful!

And girls... her love interest Cam Gigandet... the hunter guy in Twilight movie is so hot and adorable!
By the way... i love the music, full of energy and dazzling!

Here our some of the photos... from Internet Movie Database (IMDB)







 I love this photo. Simply beautiful.

memorable lines from the movies...

 "When you are painting on makeup, you are like an artist, but instead of painting a canvas, you're painting a face"

"Every opportunity has a shelf life" 

Sunday, March 20, 2011

Walang magawa.

Ewan ko ba parang nawalan ako ng gana this past few days... I can't  even think kung ano gagawin ko sa spare time ko... i went all over my place...pa-ikot-ikot... walang direksyon, well of coarse hindi naman ako baliw no... its just that parang haaaay im really bored...talagang ganito siguro ang buhay ng isang OFW... trabaho-bahay...

Many people asked me kung paano ko nakakaya ang buhay dito sa ibang bansa, they have knwon me as a happy go-lucky person, hindi napipirmi sa isang lugar. Well in fact ang totoo at hidi nila alam, I'm a loner in every sense of it hindi ko lang pinapakita. Hindi ako napipirmi sa isang lugar kasi I hate the crap of watching people doing social drama, yeah anti-social din ako o shall I say sila ang ayaw sa akin...

Anyway, ang lagi kong sinasagot sa tanong na how I manage things like being here, "IT'S A LIFESTYLE." Yes it is! when you got to go abroad everything change... ang buhay mo sa Pilipinas ay ibang-iba pagdating mo sa ibang bansa. I don't need to further explain anything about OFW life.

Sabi nila paano ko daw nakakaya eh walang bar at gimikan dito...
sus, ang hindi nila alam hindi naman talga ako party person, nagkataon lang siguro na marami akong napuntahan ng events, pero hindi ibig sabihin noon party person na ako no. I was just courteous sa lahat ng nagiimbita at saka minsan lng nmn ako ma-imbitahan sa ganun. Lucky enough marami lng akong photos talaga sa mga pinupuntahan ko with matching different angles... kaya akala nila iba iba ang napupuntahan ko...well in fact iisa lang yun.

Sabi nila, walang papa dito as in mga boylets...hello kelan ba nawalan ng boylets sa mundo. Marami sila di ba? hehehe anyway paano daw ang aking buhay pag wala na yun. Syempre same pa rin fasting nga lang db? hahaha...ang totoo mabibilang sa daliri ko as in promise ang naging involved sa akin. Totoo yun wala lang talagang nananiwala, malandi daw kasi ako. Hindi nila alam hirap na hirap akong maghanap ng papa haaaaaay. Pero anyway hindi na yon importante...

What really drives me, yung reason kung bakit ako napunta dito. Iyon ay makatulong sa pamilya, professional growth (may ganun) at lastly mend my broken heart (yeah totoo yan saka ko na lang ikukwento). 

Tuesday, March 15, 2011

Walang Hanggang Paalam 2

ako ay humihingi ng dispensya sa hindi ko madalas na pagbisita sa inyong blog... sa ngayon 
ay medyo tuliro ako sa mga bagay bagay sa aking paligid...haay... may problema in short...pero kaya to... isama nyo na lang po ako sa inyong mga panalangin....saka ko na lang po ibabahagi...maganda o pangit man ang kakalabasan... mahaba-habang paglalakbay ito...

One year ago...

Hospital.


Hindi ako mapakali, katatapos ko lang ng check-up because of my allergy. My mom insisted na pumunta ako sa family clinician namin, sabi ko nmn makukuha un sa anti-histamine... as usual mom was hysterical... parang hindi ko na dati sakit to...


Hinahanap ko ang cashier para magbayad ng bills sa gamot at sa gagawin blood test... sabi ko nmn kasi kay doc bigyan n lng ako ng anti-histamine eh... sabi ni doc eh baka kulitin nmn daw sya ni mama about what he did to me... ayaw nya namn daw masira sa mama ko... ok sabi ko... pero i asked again kailangan ba tlga ng blood test...oo sabi nya...shocks...


"excuse me, san dito ang cashier at laboratory?" tanong ko...


"ah sir second floor po pareho..." nakangiti ngunit bakas ang kapaguran sa kanyang mukha lalo sa kanyang itim na itim na mata. inayos nya ang kanyang mga dala-dala at sa aking pagkabigla mga dugo mula sa mga pasyente ata.


"kung gusto nyo po sir sabay na kayo sa akin, i'll show where the cashier is..."


"thanks" maikling kong sagot...wala ata akong effect sa kanya ah... wala na ba ang charm ko? sa isip ko... i checked myself... maayos naman ang damit ko. nagsipilyo nmn ako... ok nmn ako...


"no problem sir" pero nakatungo at parang may hinahanap na papel...


Sumakay kami ng sabay sa elevator walang imikan, inobserbahan ko sya ng lihim... matangkad, payat,malinis, kung hindi ako nagkakamalaki kasing edad ko lang sya... seryoso at mukhang workaholic.


sa loob  ng eleveator...


"sir Aki.  please call laboratory now..." thrice naming narinig ang sabi sa intercom...


"sir dito na po tayo... ito po ang laboratory." patungkol sa aking harapan. 
"deretso lang po kayo then turn left nadyan po ung cashier." nakangiti pa rin kahit mukha ng pagod. Paglingon ko wala na sya, ang bilis naman maglakad nyon sa isip isip ko.


ako si Lucas Barrameda... isang bisexual, hindi naman sa pagbubuhat ng bangko pero both sexes nagkakagusto sa akin.


Kanina may nakilala ako pero hindi ko alam pangalan nya...
kakaiba... hindi man tumagal ng isang minuto para titigan ang cute kong mukha hehehe...(yabang)


Pambihira, he resisted my charm.


Ganda pa naman ng ngiti nya at ang mga mata ang itim itim... ang lalim... ang hindi ko maintindihan it draws me near to him... parang may energy na humihila sa akin to know him deeper...ewan...


Di bale next time pag kukunin ko na ung name nya...
kung magkikita pa kami... sana.


sa ngayon ang problema ko ang pagpapakuha ng dugo...




itutuloy....

Wednesday, March 9, 2011

bata, bata paano ka ginawa?

Kagabi, sa higit isang oras nagbasa ako ng iba't ibang blog sa list ko syempre inuna ko muna ung laging nadalaw at nagbibigay ng pansin sa wala kung kwentang blog hahaha ( may favoritism baga just kidding)...

A friend of mine posted on my facebook wall telling me ang drama ko talaga, teleserye talaga... it was about my post " Ako ay isang..... then  I replied to her sabi ko i really missed her lalo na yong mga litanya nyang ganun... anyway sabi ko sa kanya it just that I'm happy and I want to tell the world that I am indeed grateful... sabi nya YOU SHOULD BE! and gave me a friendly advice. I love her for her simplicity and sometimes being insensitive hahaha.

Then, I came a crossed with two blogger post... one of Emmanuel (angbuhayayhindibitin.blogspot.com) his post " DEAR MOMMY"  and jhengpot (heavenknows.blogspot.com) her post "ika limampu't anim, ika-una" after I have read their post I was honestly teary eyed. Two stories about chances.

Emmanuel... thanks for sharing a story that will give a second thought for all the couples out there...
Jhengpot... as I have said... I was really scared seriously... I don't know what to say... I admire you I know its hard but you are strong person though i barely know you...


-------------------------end------------------------

so, bakit bata, bata paano ka ginawa ang sunod kong post?... wait till you see this...



I saw this on one of my fb friend's page. It has a original caption but I will make mine...it say there the kid doesn't know what exactly she is doing...fair enough but it was really horrifying...

sabi ni Rizal... ang kabataan ang ating kinabukasan hindi ba?

patay na... nakakatakot ang magiging kinabukasan nating lahat kung ganito ang susunod na henerasyon. HORRIBLE INDEED!

ang totoo ng makita ko ito... nagalit ako sa bata...kahit ano pa ang rason kahit bata man sya at hindi nya alam ang ginagawa nya, wala akong pakialam! the gesture was really disrespectful and degrading...

Badtrip! I'm pissed off. Sorry chong and chang, affected lang.

Monday, March 7, 2011

These dreams

"If you love me only in my dreams then let me be asleep forever."


                                                                                                                                  ---unknown.


It was a rainy day when I decided to dropped by at the nearest coffee shop, when I first heard this song. .It perfectly matched what I have felt before... my heart was in doomed... i was blue.


but that was then... I already stop dreaming about love... reality hurts.


happy listening everyone... 


and by the way  I love Lani's rendition... soothing...




Spare a little candle 
Save some light for me 
Figures up ahead 
Movin' in the trees
White skin in linen
Perfume on my wrist
And the full moon that hangs over
These dreams in the mist
(Ooo)

Darkness on the edge
Shadows where I stand
(Shadows where I stand)
I search for the time
On a watch with no hands
I want to see you clearly
Come closer than this
(All I remember)
But all I remember
Are the dreams in the mist

These dreams go on when I close my eyes
Every second of the night I live another life
These dreams that sleep when it's cold outside
Every moment I'm awake the further I'm away
(Further I'm away)

Is it cloak and dagger?
Could it be spring or fall?
I walk without a cut
Through a stained glass wall
(Weaker in my eyesight)

Weaker in my eyesight
The candle in my grip
(Words that have no form)
And words that have no form
Are fallin' from my lips

These dreams go on when I close my eyes
Every second of the night I live another life
These dreams that sleep when it's cold outside
Every moment I'm awake the further I'm away
(Further I'm away)

There's somethin' out there
I can't resist
I need to hide away, from the pain
There's somethin' out there
I can't resist

The sweetest song is silence
That I've ever heard
Funny how your feet
In dreams never touch the earth

In a wood full of Princess
Freedom is a kiss
But the Prince hides his face
From dreams in the mist

These dreams go on when I close my eyes
Every second of the night I live another life
These dreams that sleep when it's cold outside
Every moment I'm awake the further I'm away

These dreams go on when I close my eyes
Every second of the night I live another life
These dreams that sleep when it's cold outside
Every moment I'm awake




sa patuloy pong bumibisita sa aking blog salamat
at sa mga bagong follower  salamat din
sa mga kabloggers ko dito pasyensya na kung hindi ako  nakakadalaw ng madalas.

hug and  kisses mga chong
---uno

Friday, March 4, 2011

Ako ay isang.....

may mag bagay na madaling tanggapin...
may mga bagay na hindi na dapat sabihin...
may mga bagay na dapat ipinagpapasalamat na lamang...

hindi ko na dapat ito ibabahagi ngunit alam ko sa simpleng pahayag na ito makilala mo ako.


AKO AY ISANG AMPON... at hindi ko yun ikakahiya sa halip ipagsisigawan ko ito...

Ngayon araw po, I'm legally adopted... HAPPY ADOPTION DAY TO ME!

dalawang beses po ako nagdiriwang ng aking kaarawan, ang isa noong enero at ngayon po.

Mahabang kwento ngunit marami pa namang panahon para ito ay ibahagi sa inyo...

March 04, 1985...26 years! I have a blessed life since they have given me the chance to live...

sa aking pamilya, maraming salamat at mahal na mahal ko kayo.


--------------------------------------------end-----------------------------------------


sa lahat po, kung meron man po kayong problemang kinahaharap ngayon sa pamilya man o sa ibang bagay...

NAPAKASWERTE PO NINYO dahil may pamilya kayong tunay na maasahan, kakalinga at tatanggap kung anu man po kayo.... wala na pong hihigit pa sa pagmamahal ng isang kapamilya.

MAHALIN NYO ANG ISA'T ISA...PAHALAGAHAN PO NINYO ANG BAWAT ORAS NAKASAMA NYO SILA.

dahil ako hindi ko man po sila tunay na pamilya.... SILA ( si daddy, si mama, si ate at ang bunso kong kapatid) ANG BUMUO NG AKING PAGKATAO.

Thursday, March 3, 2011

Walang Hanggang Paalam 1

bago po ang lahat, thank you po sa bago kong follower at sa mga patuloy pong bumibisita at nagbibigay ng komento kahit walang kwenta yong post ko compare sa iba lol.

pangalawa po, nais ko pong batiin si BANJO AT KYLE sa napakagandang post. Tunay pong nakakapagbigay ng inspirasyon. basahin po ninyo ang kanilang post na TAG-ARAW at YOU DON'T KNOW WHAT'S ITS LIKE, nakakapukaw po ng damdamin ang kanilang post. Naalala ko pong ang aking childhood at lahat ng aking napagdaanan...THANKS MGA CHONG...


----------------------------------------------end-----------------------------------------------


Lourdes:        "Anung nangyari? nasaan ang anak ko? " hingal nitong sabi.

Mia:         "Tita nasa operating room po si Luke. " salubong nito na bakas ang pag-alala.

Lourdes:     "What?"  hysterical.

Mia:      "Vehicular accident tita nadisgrasya sila."    maluha-luhang sagot nito.

Lourdes:       "Sila? sino kasama nya?" biglang nagbago ang ekspresyon ng mukha nito.

Mia:                 "Si Aki po pareho silang nasa loob ngayon tita."

Lourdes:          ( binalingan ang ina ni ni Aki) "lagi na lang si Aki (madiin ang pagkakasabi nito) these past days balisa ang anak ko hindi ko sya makausap ng matino, i know may problema sila kahit hindi di nya sabihin, hindi ko alam kung ano meron ang anak mo. Nakiusap ako sa inyo noon,na sabihan ang anak mo na layuan ang anak ko, alam mo na bawal ang relasyon nila, mali... pero ano? "

Tanging hagulgol lamang ang naisatinig ng ina ni Aki.

Ramil:         "enough!( Luke's father) both of them are in danger, goodness! lahat tayo worried can't you see. san ba ang mga doctors hija?" tanong nito kay mia.

"I'm sorry ( baling nito sa ina ni Aki) ipagdasal na lang natin ito. that both of them will be ok."

Lalo lamang umiyak ang ina ni Aki sa itinurang ng ama ni Luke. Ramil Barrameda have been a supportive,understanding father to Luke, kabaligtaran ng isang tipikal na amang galit sa kung anu ang gusto ng isang anak na lalaki.

Lourdes:      "anu nga ba ang sinabi ng doctor? ng mga pulis? did anybody investigate? anung resulta?

Mia:       "wala pa po kaming nakakausap but they informed us that both of them needed blood tranfusion a while ago( napayakap sa ama ni Luke) we should't let them go. We had a party last night sa bahay, dun palang nag-aaway na sila. Luke was drunk already,they had arguments, pinipigilan ni Aki na wag na silang umuwi and they will spent the night sa bahay until mawala yung lasing nito.Pero lalong nagpumilit si Luke.

Dumating ang mga pulis, kinunpirma nila na . it was Luke's fault, lumampas sa kabilang linya ang sasakyan at dahil sa nakainom ito ay lalong nadiin si Luke. Sabi ng pulis bukod sa konting galos ng tsuper ng delivery truck na nakabunguan nito ay wala ng iba pang casualties ng accident. Luke's father dealt with the aggrieved party.

Makaraan ang ilang oras, lumabas ang manggagamot, nanahimik ang lahat at naghihintay ng sasabihin nito.

Doc:    " kayo po ang kamag-anak?"

Lourdes:     "yes ako ang mama ni Lucas Barrameda, kamusta po ang aking anak?

Doc:          "ma'am your son is ok now, mamaya po ililipat na sya sa recovery room. Naipit ang kanyang binti, have a broken leg and small fractures sa kamay other than that ok na sya. 

Ramil:       " what do you mean? hindi na makakalakad ang anak ko?

Doc:          "for few months in the rehab makakalakad pa sya, 100 percent. all our concern now is the other patient, sino po ang kamag-anak ni Aquilino Villaflor?

Annie:   ( ina ni aki) "Kamusta po sya? habang nakayakap sa nakakabatang kapatid ni Aki.

Doc:       "until now po under observation po sya. We want to make sure  that all of his vital signs are ok before we proceed to another operation. Don't worry ma'am he has gradual response. 

Thomas:  (nakababatang kapatid ni Aki) "Gawin nyo lahat ng makakaya nyo doc." wala man ideya sa sinasabi ng manggagamot ngunit naglakas loob itong isatinig ang nararamdaman.

Doc:  " yes we will!, i know your son is fighting ma'am ramdam ko. Ngunit kailangan nyo pong malaman na....




itutuloy.................

Monday, February 28, 2011

The Perfect Fan

since last day po ng love month though hindi naman Mother's day, I just want to share a song that really touches my heart. Aminin man po natin... ang ating FIRST LOVE ay ang ating MAGULANG. Dahil sa kanila naramdaman natin ang tunay na pag-ibig ng Diyos. Ang pagmamahal na walang hinihintay na kapalit, pagmamahal na hindi bulag at pagmamahal na walang hangganan.

KAYA, SA PAGTATAPOS NG BUWAN NA ITO... NAIS KO PONG PASALAMATAN ANG LAHAT NG MGA ANAK NA HINDI KINALIMUTANG BIGYAN NG PANSIN SI INA, NANAY, MAMA, MOMMY, LOLA, MAMU, MAMALA, GRANNY AT KUNG ANO PA ANG NAIS NILA ITAWAG SA KANILA ... SALAMAT AT MABUHAY KAYO!

"if you want to be someone in life,
if you want to achieve something..
if you want to win, always listen to your heart.
And if your heart doesn't give you answers, 
close your eyes and think of your parents,
and then you will cross all the hurdles
all  problems will vanish
Victory will be yours, Only Yours!

------ excerpt from a bollywood movie.


MOM, this song is for you.... I LOVE YOU!



It takes a lot to know what is love
It's not the big thing but the little things
That can mean enough
A lot of players to get me through
There is never a day that passes by
I don't think of you
You were always there for me
Pushing me and guiding me
Always to succeed


You showed me
When i was young just how to grow
You showed me everything that i should know
You showed me just how to walk without your hands
'Cause mom you always were the perfect fan


God has been so good
With blessing me with the family
Who did all they could
And I've had many years of Grace
And it flatters me when i see a smile on your face
I wanna thank you for what you've done
In hopes I can give back to you
And be the perfect son


You showed me
When i was young just how to grow
You showed me everything that i should know
You showed me just how to walk without your hands
'Cause mom you always were the perfect fan


You showed me how to love
You showed me how to care
And showed me that you would always be there
I wanna thank you for the time
And i'm proud to say you're mine


You showed me
When i was young just how to grow
You showed me everything that i should know
You showed me just how to walk without your hands
'Cause mom you always were the perfect fan


'Cause Mom you always were, Mom you always were
Mom you always were...the perfect fan 



P.S.  
so tonight, go near her tell her you love her
hug her tightly and kiss her gently...
for sure she really miss you...


send my kisses....uno
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...