Saturday, April 23, 2011

Semana Santa... Sino ka?

alam ko pong huli na ang post na ito, ilang araw ko din kasing pinag-iisipan kung ano ang ipo-post ko. Maari pong post na ito ay salat sa impormasyon nawa po ay pagpasyensahan nyo na. Tuliro pa rin ako hanggang ngayon. Sana may sagot na sa aking problema.



-----------------end----------------


Semana Santa, isang tradisyon kinalakihan ko na bilang isang Kristiyano, sumasabuhay sa huling araw ni Hesus. May iba't ibang paraan kung paano natin ito gunigunita. May palabas na katulad ng senakulo, penitensya, pasyon, Visita Iglesia, pag-aayuno at marami pang iba.

Hindi ako tuwid, hindi ako tradisyonalista lalong-lalo nang hindi relihiyoso, pinaniniwalaan ko ang tama, pinaninindigan ang aking pananampalataya, alam kong may DYOS na BUHAY. Hindi man ako sumusunod sa nakagawian na ng nakararami, inirerespeto ko naman ito dahil bahagi na ito nang ating kultura.

Ang huling nalalabing araw ni Hesus sa mundo ay puno ng paghihirap, pagdurusa, mga pangaral, habilin at mabuting balita, ang kamatayan Nya ay pagtubos Nya sa atin mula sa kasalanan. Maraming naging bahagi ng kwentong ito, iba't ibang karakter.

Ang mga Paraseo, ang mga banal na itinituring ngunit mga hipokrito at bulag, salat sa tunay na pananampalataya.

Ang mga Hudyo, nagbubulag-bulagan, nagbingi-bingihan sa Tunay na Dyos.

Ang mga Romano, dahil sa kapangyarihan, natakot silang harapin ang katotohanang nais ipahatid ni Kristo.

Si Poncio Pilato, matalinong tao, may sapat na kapangyarihan, may konsyensya at alam nyang walang kasalanan si Hesus ngunit nagpatalo sya sa takot hatid ng mga Paraseo at Hudyo.

Ang mga Apostol, ang tagasunod ni Hesus. Sa kaalamang iiwan na sila ng kanila Guro, ang kanilang pananampatalaya'y nasubok.

Si Pedro, tatlong beses nyang itinanggi si Hesus.

Si Maria Magdalena, ang babaeng makasalanan ngunit tinanggap ni Hesus at naging masugid Nyang tagasunod.

Si Maria, ang Ina ni Hesus, ang makita nyang unti-unting pinapatay ng mga Romano ang kanyang anak ay dumudurog sa kanyang puso. Isang huwarang babae, buo at malinis.

Ang Dalawang magnanakaw sa tabi ni Hesus, ang isa kahit sa huli ng kanyang hininga ay hindi nya nakilala ang Dyos at patuloy na hindi naniniwala at ang isa alam nya at inaamin sa sarili sya ay makasalanan na dapat bayaran, sa huli sya ay nagsisi at naniwalang may Dyos.

At si Hudas, nasilaw sa yaman ng mundo, natakot sa kanyang kinabukasan, isinanla nya ag kanyang kaluluwa, tinakwil ang kanyang pananampalataya at pagtaksilan ang anak ng Dyos.

Sa makabagong henerasyon, si poncio pilato, si maria magdalena, ang mga hudyo, mga paraseo, mga romano, mga apostol, si pedro, si hudas o kaya ang dalawang magnanakaw ay maaring ikaw.

Alin ka sa kanila?

Ngunit ang mahalaga, ano man ang iyong naging bahagi  sa buhay ni Hesus, ikaw man ang kanyang koronang tinik, ang pakong bumaon sa kanyang kamay, ang hagupit ng mga palo na halos ikamatay at ikapatid ng Kanyang hininga o ang kanyang mabigat na krus ay patuloy ka Nyang minamahal at tinatanggap. Tinubos ka nya sa kasalanan.

Ngayon Semana Santa higit man sa lahat ng tradisyong ginagawa, ang iyong pagbabalik loob sa DIYOS, mabuhay ng nararapat ayon sa Kanya  ay sapat na para masabi mong ikaw ay tunay na Kristiyano.

Saturday, April 16, 2011

Walang Hanggang Paalam 4

Nakasimangot na at hindi na maipinta ang mukha ni Lucas habng naglalakad kasi ba naman kung hindi sya nagpumilit hindi sana sya maglalakad ng ganun  kalayo. Niyaya nya si Aki na kumain sa labas, kanina kasi pagkatapos nitong mahimatay , naalala nyang sabi nito na kung may kailangan pa sya sabihin nya lamang. Kaya nagpasya syang hintayin ito at tapusin ang duty. Hindi nya maintindihan bakit ganuun ang reaksyon ng kanyang puso sa pagkakaslao nito sa kanya, lumundag at kinilig.

Lucas:   "Aki!" tawag nito.

Aki:       (hinanap ang tumatawag) "Sir? may problema ba? ok ka na po?"

Lucas:     ngumiti. "ok na ako, di ba  sabi mo kanina kung may kailangan ako sabihin ko lang?    deretsong sabi nito.

Aki:    "huh? anu ibig mong sabihin? lumingon sa likuran at nakita nyang paparating ang ilan sa mga katrabaho nya, lumapit ang mga ito.

Glenda:     "excuse me sir" lihim na pinadilatan si Aki, nagtatanong "nakalimutan ko nga pala ibigay yung sukli mo sa food kanina."

Tess:         "Sir sabay ba kayo?" taklesang tanong nito.

Lyn:          "Ikaw b ayung nahimatay kanina? tanong kay lucas.

Lucas:        (napakamot sa pisngi) "Ako nga." hiyang sabi nito.

Lyn:           "ano kailanganmo kay Aki? sabay tingin dito nanunukso.

Lucas:        "wala naman gusto ko lang magpasalamat at...

Lyn:           "AT?"...

Lucas:         (nakangiti ngunit bakas ang inis dahl hindi man lang umiimik si Aki at tila natatawa sa usapan.)  "Yayain ko sana kayo kumain."

Tess:        "kami? mukhang si sir Aki lang ag yayain mo eh."

Aki:          (hindi na napigilan tumawa) "ano ba kayo, tinatanong ni Sir kong pede ba daw tayo sumama sa kanya at kumain sa labas, ang totoo nyan nahihiya lang sya."

Glenda:     "ako pede!"

Tess:         " basta libre game ako."

Lyn:          " pass muna ako may date kmi ni papa."

Lucas:        " ikaw?"  walang ngiting tanong nito kay Aki.

Aki:            "sana tayo?"  todo naman ang ngiti. "don't worry makikihati ako sayo" bulong nito.


Napagkasunduan na lamang nila sa malapit na SM. Masayang kasama ag tatlo, medyo serious, reserved at grounded si Aki ngunit nakakasabay naman sa tuksuhan, tawanan at biruan naming tatlo. Nais pa ng mga girls na gumala pagkatapos kumain ngunit si Aki ay nais ng umuwi.

Aki:        " kailangan kong magpahinga meorn pa akong lakad mamaya."

Glenda:    "sir hinay-hinay lang ah, bumigay ang katwan mo nyan, yayaman ka nan"

Tess:        "bilib talaga sayo, ang sipag nyo."

Aki:          "sya sige na ingat kayo ah, so paano?"

Glenda:      "ikaw Luke? uuwi ka na rin ba?"

Lucas:         " oo eh kailangan ko din magpahinga medyo napagod ako sa kwentuhan natin" ngumiti.

Tess:             "ganun ok, sige ingat na lang kami hehehe sayang naman."

Aki:            "kapapacheck-up lang nung tao, hayaan nyo na."

Lucas:          "sabay na ako sayo."

Nagkahiwalay na ang apat, habang palabas ng mall ang dalawa hindi alam ni Lucas ang gagawin basta alam nya gusto nya sumama kay Aki.

Lucas:          "san bahay mo?"

Aki:              "malapit lang dito."

Lucas:            "hatid na kita."

Aki:               ngumiti. " gabi na baka hanapin ka sa inyo, pasyensya ka na sa mga yun ah at kanina napasubo ka."

Lucas:           "wala yun nag-enjoy naman ako eh. san tayo sasakay?"

Aki:              "naglalakad lang ako pauwi, malapit lang kasi."

Lucas:           "what? gabi na and hindi ba delikado dito?"

Aki:               " sa akin hindi, baka sayo delikado." natawa

Lucas:            "anong ibig mong sabihin? habang hinahabol si Aki sa paglalakad.

Aki:                " kilala na ako dito at hidni ako mukhang mayaman noh, natatakot ka ba?

Lucas:             "hindi naman kaso, hindi lang ako familiar sa place, malayo pa ba?" walang ngiti.

Aki:                " dalawang kanto na lang. Inis ka na ba? hindi na maipinta mukha mo oh."

Lucas:             " sabi mo kasi malapit lang eh, tapos mag-isa na lang ako uuwi mamaya? oh san ka pupunta? nang bigla naglakad pabalik si Aki.

Aki:              " ihahatid kita sa sakayan, pede ka sumakay ng jeep pabalik sa mall o kaya taxi form here." ngumiti.

Lucas:            "biro lang nmn tara na uwi na tayo sa inyo." habol nito.

Aki:                (tumigil at tinitigan si lucas walang kangingiti) " LUKE mas maganda umuwi ka na, ayaw kong mag-alala at mag-isip kung anung mangyayari sayo pag-uwi mo."

Lucas:            (natulala sa pag-amin at pagbanggit  ni Aki ng kanyang palayaw) " ano number mo?" un na lamang ang nasabi nito.

Aki:              "bakit naman?"

Lucas:            "uuwi na ako, bilis may taxi na eh sasakay na ako, I give a call kung nasa bahay na ako. Ok? bye!"

Aki:            "Bye, ingat na lang..." natatawa sa bilis nitong pagbabago ng mood.

Lucas:          " I will, basta mamaya sagutin mo ang tawag ko ah." ngumiti.


Nakangiti at napapailing na almang si Aki habang papalayo ang sasakyan, tinahak ang daan pabalik sa pinangaling nila kanina... what a day for him... nangingiti at nag-alala...


itutuloy...

Thursday, April 7, 2011

"Yearbook"

matagal-tagal na rin po mula noon at pawang alala na lamang ang lahat, mula noong nagtapos ako.
Nais ko pong pabatiin ang lahat ng magsisipagtapos ngayon taon. 
CONGRATULATIONS BATCH 2011!
at sa mga magulang ng nagsipagtapos tunay po kayo ang panalo dito!



---------------------end--------------------


HAYSKUL KO TO!
Librong punung-puno nang alala, bawat pahina may istorya, bawat titik at salita may isinatitinig, bawat salaysay may mensahe at bawat larawan may kwento.

Ang sarap balikan ang kahapon, masasayang kwentuhan at harutan, tuksuhan walang humpay, malalakas na tawanan at asaran, iyakang walang saysay at walang katuturang awayan at bangayan.

Iba't ibang ugali, may sari-sariling grupo, nandyan ang grupo ng matutuwid, mababait, tahimik , masunurin, sa madaling sabi mga paborito "teacher's pet, ngunit hindi maitatago na ang iba sipsip at nasa loob ang kulo.Nandyan naman ang grupo ng magugulo, maiingay, pasaway "teacher's enemy subalit alam mong may talinong angkin. Pero sa kalokohan at sa ikakabuti ng klase nagkakaiisa ang grupo. 

Sa paglipas ng panahon, sa kabila man ng lahat, iba-iba man ang direksyong ating binabay, may kanya-kanya mang diskarte, magkakasalungat man ang pananaw at may sari-sariling buhay, ang iba nagkapamilya na, ang iba nangibang-bansa, naging matagumpay samantalang ang iba naman ay bigo subalit patuloy pa rin nakikipagsapalaran. Ngunit hindi natin maipagkakaila, naging parte at may ibinahagi sa pagkatao ng bawat isa, dahil minsan nagsalo tayo sa ligaya, lungkot, tagumpay, kabiguan, pagpupunyagi ng ating kabataan. Ikaw, ako bumuo tayo ng pagsasamahang hindi na mababago ng paglipas at bilis ng panahon, nanatili tayong magkakaibigan.

Salamat sa kwento, natuto akong makinig.
Salamat sa awayan,tampuhan at tuksuhan, nalaman kong hindi ako perpekto.
Salamat sa bawat luha, naranasan kong masaktan.
Salamat sa bawat ngiti, tawa, asaran at harutan, nalaman kong masarap mabuhay.
Salamat sa bawat oras ng pakikiramay, nalaman kong hindi ako nag-iisa.
Salamat sa lahat ng payo, natutong akong umunawa.
Salamat sa bawat yakap at tapik, nalaman kong lahat tayo may kahinaan.
Salamat sa karunungan, malaman ang mali at tama, natutong akong magmahal.

Hindi man tayo madalas magkita, sapat na itong Yearbook na nagbibigay alala at kaalaman na ako ay nagkaroon ng mga tunay na kaibigan... sa muli nating pagkikita mga chong!

Monday, April 4, 2011

"Pinakamahabang Tag-araw"

marami pong salamat sa mga bumibisita dito at patuloy pong nagbibigay ng komento, nagpapansin lang ulit matagal-tagal na rin hindi ako gumawa ng tula... tula nga ba itong masasabi hahaha
kasi naman yung ibang blogs ang gagaling sa paggawa ng tula nakakahiya sa kanila.


Nais kong magtampisaw sa rumaragasang ilog,
magpaka-anod sa agos nito.
Gumawa ng bangkang papel,
makipagkarerahan kasama ka.

Nais kong magpalipad ng saranggola,
makipagpaligsahan sa hangin.
Tumakbo sa parang, makipaghabulan kasama ka.

Gusto kong sumakay sa bangka't mangisda,
makipaglaro sa alon,
gumawa ng kastilo ng buhangin
saksihan ang paglubog ng araw kasama ka.

Gusto kong magbyahe
tumungo paroon
wala man direksyon
gusto ko mawala at magpalaboy-laboy
 kasama ka...

Nais kong makipag-unahan sayo gamit ang bisikleta
umikot-ikot sa parke
kumain ng hopia at uminom ng palamig
makipag-pantintero,tumbang preso
nais kong maging bata muli kasama ka.

Ngunit lumipas na ang ilang tag-araw,
ito pa rin ako nangagarap kasama ka...
asan ka na nga ba?


Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...